^

Punto Mo

Ang Lumang Bahay sa Kanto

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISTILONG bahay ng panahon ng Kastila ang bahay sa kanto. Sabi ng matatanda sa lugar na iyon, ilang dekada nang walang tumitira doon. Minsan nang nilagyan ng karatulang For Sale pero walang nagkaroon ng interes na bumili. Kung tutuusin, maganda ang bahay pero sa tagal ng panahon na wala ditong nakatira ay nagmukha na itong haunted house.

Ayon sa kuwento ng matatanda, ang may-ari ng bahay ay isang military officer na ilang beses nabigyan ng parangal dahil sa kagitingan. Palibhasa ay sanay sa military life, ang lalaki ay mahigpit hindi lang sa kanyang mga anak kundi pati na rin sa nag-iisa nilang katulong na binatilyo.

Minsan ay dalawang araw na nagbakasyon sa Maynila ang pamilya ng sundalo. Ang naiwan lang sa bahay ay ang  katulong. Pagkalipas ng tatlong araw ay bumalik na sa probinsiya ang mag-anak. Umakyat kaagad ang dugo sa ulo ng sundalo nang madatnan niyang madumi ang paligid ng bahay. Ang kanyang paboritong aso ay itinali lang sa puno at halatang-halata na gutom na gutom ito. Sa tantiya ng sundalo ay kasingtagal nilang nawala sa bahay ang katulong. Sinamantala ang pagkawala nila.

Gigil na gigil sa galit ang sundalo. Maya-maya ay dumating ang katulong. Magsasalita sana ito pero hindi na natuloy dahil naihampas kaagad ng sundalo ang kanyang sinturon sa katawan ng binatilyo. Sunud-sunod ang hampas. Bahala na kung saan ito tamaan. Nahagip ng binatilyo ang silyang nasa tabi niya at ito ang inihagis sa among sundalo. Napaupo ang sundalo. Sinamantala ng binatilyo ang pagkakataon. Inihampas niya nang sunud-sunod ang silya sa katawan ng sundalo. Nang makitang lugmok na ang amo ay kinuha niya ang kutsilyong nakasabit sa kitchen at pinagsasaksak ito nang walang tigil. Tumakbo siya sa kinaroroonan ng among babae na nagkataong katabing nagpapahinga ang dalawang batang anak. Isa-isa niyang sinaksak ang mag-iina nang walang kalaban-laban.

Kaya pala umalis sa bahay ang binatilyo ay umuwi siya sa kanilang baryo dahil biglang namatay ang ina nito. Nang inakala nito na dumating na ang mga amo ay bumalik siya sa bahay upang hingin ang kanyang suweldo na gagamitin sa funeral expenses ng ina. Pero hindi na siya nakapagpaliwanag dahil sinalubong na siya ng hampas ng sinturon. Namatay ang sundalo at ang buong pamilya nito kaya hanggang sa kasalukuyan ay walang tumitira sa lumang Spanish house. Sinayang ng sundalo ang kanyang tapang at kagitingan sa giyera, isang patpating binatilyo lang pala ang papatay sa kanya dahil lang sa hindi niya kayang kontrolin ang kanyang galit.

vuukle comment

AYON

BAHALA

BAHAY

BINATILYO

FOR SALE

GIGIL

MINSAN

NANG

SINAMANTALA

SUNDALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with