Makabawi kaya?
‘Hagupit’ ang ngalan ng bagyong malakas
naging ‘Ruby’ ito na ngalan ng dilag;
‘Yolanda’ ang dito ay unang lumapag
na noo’y nagdaang pinakamalakas!
Ang dalawang bagyo’y nakapagtataka
ay kapwa tumama sa parteng Visaya;
Mga tao roon ay lubhang kawawa
at ang masagwa pa reliefs nangawala!
Sana noon pa man ang ating gobyerno
naging masigasig ayusin ang gulo;
Lumindol sa Bohol ang tao’y tuliro
tahana’y nawasak nalipol ang tao!
Bakit ngayon lamang kumilos si P-Noy
gayong itong bansa’y pilipit na noon?
Kanyang iniutos maghanda ang rehiyon
dahil malapit na pambansang elek’syon?
- Latest