^

Punto Mo

Manong Wen (155)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAAGA pa nang duma-ting sa probinsiya sina Jo. Sa mahigit isang buwan na pagkawala sa kanilang bahay ay nakadama nang pananabik sina Princess at Precious. Biglaan kasi ang pagluwas nila sa Maynila para hanapin si Chester.

“Parang isang taon akong nawala rito sa bahay natin,” sabi ni Princess.

“Ako rin Ate. Na-miss ko itong bahay natin,’’ sabi naman ni Precious.

“Kasi’y napamahal na sa inyo itong bahay na ito,” sabi naman ni Jo habang nakaupo sa sopa.

“Malaki rin kasi ang hirap ni Tatay sa bahay na ito. Pawis at dugo ang pinuhunan bago naipundar,” sabi ni Princess.

“Oo nga, Princess. Minsan nasabi sa akin ni Manong Wen na marami siyang hirap na dinanas bago ito napasakanya.’’

“Ito lang kasing bahay at lupa ang tanging natira sa mga naipundar niya mula sa pagtatrabaho sa Saudi. Ang iba pa, naibenta nang magkasakit siya. Kahit naghihirap at wala nang maitustos na pambili ng kanyang gamot, hindi niya ito ipinagbili. Kasi nga, kami ni Precious ang inaalala niya. Kapag daw ipinagbili ito, saan kami titira ni Precious.”

“Napakabuting ama ni Manong Wen. Bihira ang katulad niya.’’

“Talagang bihira, Jo. Walang makakatulad si Tatay. Kahit na nahihirapan siya sa sakit, kami pa rin ang inaalala niya.’’

“Kaya nga nagsisisi rin ako at hindi man lang siya nadalaw noong nakaratay siya.’’

“Hindi mo naman alam ang nangyari. Isa pa, di ba may mabigat kang problema nang mga panahong iyon.’’

“Oo nga.’’

Nang dumilim ay nagpaalam na si Jo. Uuwi muna siya sa kanyang bahay. Noon pa, alam na nina Princess at Precious na bumili siya ng bahay at lupa. Malapit lang din sa bahay nina Princess.

“Kailan ka babalik, Jo?”

“Bukas. Susunduin kita sa school.’’

“Hindi mo na kami babantayan ni Precious ngayong gabi?”

“Kung gusto mo, magbabantay ako.’’

“Natatakot pa kami, Jo. Gusto namin may kasama. Puwede ka namang matulog sa kuwarto ni Tatay.’’

“Okey. Sinabi mo e.’’

Dun nga natulog si Jo. Bi­nantayan niya ang magkapatid.

 

KINABUKASAN, sinundo niya sa Princess sa school nito. Tamang-tama, pagdating niya, palabas naman si Princess.

“Kumain muna tayo, Princess.’’

“Ikaw ang bahala.’’

“Tapos, pag-usapan natin ang mga gagawin sa future.’’

(Itutuloy)

BAHAY

BIGLAAN

KAHIT

KASI

MANONG WEN

NIYA

OO

PRINCESS

TATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with