^

Punto Mo

Kagandahan na panloob

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

Hi Doc Willie,

Gusto ko pong magpatulong sa inyo. Ako si Ms. L, 28 years old, single at walang magkamaling magkagusto.

Lagi nalang akong nilalait saan man ako magpunta. Kung may pera sana ako, gusto kong magpa-plastic surgery.

God bless you always.  —Umaasa.

 

Hi. Salamat sa liham mo. Sa aking pananaw, parang kulang ka sa kumpiyansa sa sarili. Kung pagmamasdan mo, marami diyan ang hindi maganda, pero nagiging matagumpay sila sa trabaho nila.

Una, makatutulong sa iyo ang pagbabasa ng inspirational books, tulad ng kay Norman Vincent Peale at positive thinking. Baka sa mata ng kapwa Pinoy ay pangit ka, pero sa mga foreigner naman ay “rare beauty” ka.

Pangalawa, kailangan palakasin mo ang mga talento at galing na binigay sa iyo ng Diyos. Matalino ka ba? Magaling magsalita o kumanta? Masipag at matiisin ka ba? Sigurado akong mayroon kang mga kakaibang talento.

May mga TV at radio host, hindi naman guwapo, pero magaling magsalita. Hanapin mo ang tunay mong galing, at doon mo makukuha ang iyong nawalang self-confidence. Sasaya ka rin.

Pangatlo, kung gusto mo talagang magpa-plastic surgery ay puwede kang kumunsulta sa doktor.

Kung dermatologist ang hanap mo, sobrang bait at charming si Dra. Katty Go-Estrada ng Manila Doctors Hospital. Puwede ka magtanong sa kanya.

Ang laging sinasabi sa akin ni Dra. Katty, “Ang tunay na ganda ay wala sa balat kundi nasa loob natin. Kapag tayo’y masaya, matulungin at mapagdasal sa Diyos, lalabas din ang “ganda” sa mukha natin.

May mga matatanda na sobrang kulubot na, pero kapag nakita mo ay parang may ilaw ang kanilang mga mukha. Naka-smile, mabait at alam mong tutulungan ka. Iyan ang ganda na dapat mong hanapin. At kapag nakamit mo na iyan, darating na ang saya at pag-ibig sa iyong buhay. Good luck.

DIYOS

DRA

HANAPIN

HI DOC WILLIE

IYAN

KATTY GO-ESTRADA

MANILA DOCTORS HOSPITAL

MS. L

NORMAN VINCENT PEALE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with