^

Punto Mo

9 na Palatandaan …na maligaya ka sa iyong buhay:

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Napapangiti ka tuwing makikita ang old school pictures. Ayon sa pag-aaral na ginawa ng DePauw University sa Indiana USA, kung lagi kang napapangiti tuwing masusulyapan mo ang iyong old school pictures, hindi lang ito palatandaan na masayahin ka kundi mas maliit ang tsansa na makipaghiwalay ka sa iyong asawa.

May kapatid kang babae. Ayon sa pagsasaliksik ng Bri-tish Psychological Society, ang taong may kapatid na babae ay mas positibo ang pananaw sa buhay at mabilis mag-adjust sa anumang sitwasyong kinalalagyan niya. Ang kapatid na babae ang madalas na tagapayo o tagasuporta, panganay man siya o bunso, lalo na kapag wala sa tabi nila ang mga magulang.

Hindi ka nagtatagal sa panonood ng TV. Ayon sa resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Maryland University, ang taong maligaya ay mas nanaising makipagkuwentuhan sa mga kaibigan; magbasa at pumunta sa religious services kaysa manood ng TV.

Mahilig magdispley ng souvenirs/mementos at photos. Nagpapaalala ito sa kanya ng masasayang sandali ng kanyang buhay.

Nag-eehersisyo nang regular. Mas kakaunti ang nararanasang stress ng mga taong regular na nag-eehersisyo kaya mas satisfied sila sa kanilang buhay.

Maganda ang takbo ng lovelife.

Masayahin ang mga  kabarkada.

Mahilig uminom ng hot chocolate/coffee/tea. Habang umiinom ay nananatiling hawak niya ang mainit-init na mug at hindi ito binibitawan hangga’t hindi nauubos ang laman.

May natatanging dalawang best friend. Isiniwalat ng isang pag-aaral na nakakaunlad ng pagkatao ang pagkakaroon ng at least dalawang mabubuting kaibigan.

AYON

BRI

HABANG

ISINIWALAT

MAGANDA

MAHILIG

MARYLAND UNIVERSITY

MASAYAHIN

NAGPAPAALALA

PSYCHOLOGICAL SOCIETY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with