^

Punto Mo

Trahedya sa lansangan pwedeng maiwasan, kung hindi pasaway

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sunud-sunod ang mga aksidente sa lansangan  sa mga nakalipas na araw.

At gaya nang dati na nating ibinababala, karamihan sa mga insidenteng ito eh lumalabas na human error.

Hindi ang  sasakyan ang may diprensya, na madalas na idinadahilan, kundi  ang mismong driver.

At ilan sa dahilan ay ang pagmamaneho ng lasing.

Ngayong holiday seasons, kung saan kabi-kabila ang mga kasiyahan at mga party na dina­daluhan ng marami nating kababayan, kaya halos gabi-gabi ang naitatalang aksidente sa lansangan.

Nandyan ang kainan, ang iba hindi mapigilan ang sarili na hindi uminom kahit alam pa nilang may dala silang mga sasakyan. Ayun, aksidente ang dulot.

Hindi lang ito nangyayari sa Metro Manila, kundi maging sa mga lalawigan.

Ang malungkot magtatapos ang taon, maraming buhay ang nadadamay sa mga ganitong uri ng pasaway na driver.

Kung hindi lasing nakatulog ang driver habang nasa manibela.

Ito ang madalas ngayong nagiging sanhi ng trahedya sa lansangan na sana ay lubhang mabantayan.

Ang iba naman, kaskasero, hindi malaman kung ano ang hinahabol kaya bara-bara sa daan.

Magtatapos ang taon, iba­yong pag-iingat ang kailangan sa mga nasa lansangan.

Hindi lang para sa inyong sarili, sa inyong pamilya at maging sa maaaring madamay sa inyong pagiging pasaway.

 

AYUN

LANSANGAN

MAGTATAPOS

METRO MANILA

NANDYAN

NGAYONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with