^

Punto Mo

‘Kababuyan o kademonyohan’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MARAMING overseas Filipino workers (OFW) ang tahimik na nagdurusa sa ibang bansa. Inaabuso, binabastos at “pinagsasamantalahan” ng mga dayuhang amo kapalit ang kakarampot na sweldo.

Sa papatapos na taong 2014, hindi mabilang ang mga pamilya ng biktima na lumapit sa BITAG at sa aming mga ‘tol sa T3.

Naiba lang ang pangalan at address ng nagrereklamo subalit iisa lang ang kaso, pang-aabuso.

Nito lang mga nakaraang araw, lumapit sa T3 ang anak ng isang OFW na nasa United Arab Emirates (UAE) sa Middle East. Gusto na raw umuwi ng pobreng domestic helper dahil sa pagmamaltrato ng Arabong amo.

Kinukulong sa isang kwarto. Hindi binibigyan ng sweldo at hindi pinakakain. Ang masaklap pa, kung bigyan man siya ng pagkain hinahaluan ng semilya ng Emirati na may sakit na AIDS.

Hindi alam ng Pinay na OFW ang kabastusan at kababuyan ng kaniyang amo hanggang sa isang araw,  nagduduwal na lang siya at madalas mahilo. Kapansin-pansin din daw ang pagsakit ng kaniyang tiyan pagkatapos niyang kumain.

Basura ang turing ng Arabong amo sa takot na takot na Pinay. At dahil nagpupumilit na umuwi, tinatakot daw siya nito na turukan siya ng injection para magka-amnesia at malimutan ang mga ginawang kababuyan sa kaniya.

Marami pang mga OFW ang nagdurusang tahimik subalit walang agarang matakbuhan sa ibang bansa. Sa halip na matupad ang pangarap na maginhawang buhay, kalbaryo pala ang kanilang kinasadlakan.

Ang ganitong mga sitwasyon ay sumasalamin lamang kung anong uring pamumuno at namumuno mayroon tayo sa Pilipinas. Kakulangan ng maayos at kalidad na trabaho ang pinaka-unang itinuturong dahilan.

* * *

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

ARABONG

BASURA

EMIRATI

INAABUSO

MIDDLE EAST

PINAY

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with