Tips sa Kapaskuhan
1. Pabaryahan muna ninyo ang dadalhing pera. Iwasang magbayad ng P500 at P1000 bills. Mahirap magpabarya kaya namimili muna ako sa mall para mabaryahan ang aking pera. Tapos saka ako mamimili sa sidewalk vendor. Minsan kasi ay hindi maiwasang bumili sa kanila dahil magaganda rin ang tinda nila.
2. Mas safe bumili sa mga may permanenteng tindahan. Matatakot silang manloko. Mabilis ma-trace ang kinaroroonan nila, in case ireklamo sila sa pulis.
4. Para iwas lokohan, mas mainam nang bumili ng prutas sa supermarket. Sa Quiapo, noong bumili ako ng prutas sa vendor na nasa kalye, ang isang kilo ay three-fourths kilo lang ang totoong timbang nang aking i-tsek pagdating sa bahay. Kaya pala mura. Nakaligtas ako sa modus na hahaluan ng bulok o palit pera gang… nadale naman ako sa timbang.
4. Sa coin purse ako dumudukot ng perang pambayad. Takaw-tingin sa mga snatcher ang malaking wallet. Ang iba kong pera ay naka-distribute sa mga bulsa ng aking pantalon para hihilahin ko na lang ang pera mula sa bulsa.
5. Magdala na lang ng sariling shopping bag. Doble ang presyo ng bag na ibinebenta ng mga batang naglalako nito.
6. Gusto kong manahin ang style ng aking kakilala para hindi maisahan ng mga batang carolers na babalik-balikan ka ng ilang beses sa isang gabi. Bago iabot ang pera, tatakan mo ang kanilang pulso gamit ang stamp and ink. Sa totoo lang, ang humahadlang sa akin para magbigay ng pera sa carolers ay takot na balik-balikan ako ng mga ito at gagawing tanga na magbibigay nang paulit-ulit sa kanila.
- Latest