^

Punto Mo

Manong Wen (147)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MABILIS na naglakad sina Jo at Princess ka­sama ang may 20 dalagita. Nagkaroon ng sigla ang mga dalagita nang pangunahan ni Jo ang paghahanap sa bu­nganga ng tunnel. Nagkaroon nang panibagong pag-asa.

Makalipas ang may 15 minutong paglalakad, naka­kita sila ng hagdang bato. Mataas ang hagdan na ang estilo ay panahon ng Kastila.

“Ayun ang hagdan!’’ sabi ni Jo.

“Sa itaas na marahil ang labasan,” sabi ni Princess.

“Halikayo, umakyat na tayo!” yaya ni Jo.

“Jo, hindi kaya may mga tauhan si Chester na nag-aabang sa labas.’’

“Ako ang bahala. Ako muna ang lalabas para hindi kayo mapahamak!”

Naakyat nila ang hagdan. Tatlong palapag ang kanilang inakyat bago narating ang isang antigong pinto.

“Diyan tayo lalabas,” sabi ni Jo.

“Sarado, Jo. Paano tayo lalabas diyan.’’

“Ako ang bahala. Kaya kong buksan ‘yan.’’

“Tutulungan ka namin sa pagtulak sa pinto.

Tulung-tulong sila sa pagtutulak sa malaking pinto. Kinakalawang na ang bi­sagra ng pinto kaya mahirap itulak. Lumangitngit ang pinto. Matagal nang hindi nabubuksan iyon.

Isang malakas na buwelo nila at nabuksan ang pinto. Pumasok ang liwanag. Na­silaw sila.

Nakalabas na sila.

“Sa wakas, nakalabas na tayo! Malaya na tayo!”

(Itutuloy)

AYUN

DIYAN

HALIKAYO

ISANG

ITUTULOY

KASTILA

KAYA

KINAKALAWANG

NAGKAROON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with