^

Punto Mo

Wish ng Anak sa Ama

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

“PAPA…”

Nagbabasa ng diyaryo ang ama.

“Hmm, bakit anak?”

“Masarap bang magbasa ng diyaryo?”

“Oo, naman.”

“Bakit po?”

Hindi sumagot ang ama. Libang na libang sa binabasa. Kinublit ng anak ang ama.

“Papa… bakit sabi mo masarap magbasa ng diyaryo, ha?”

“Nalalaman ko ang mga nangyayari sa ating bansa.”

“Bakit po kailangang malaman ang mga nangyayari?”

Hindi sumagot ang ama. Niyugyog ng anak ang diyaryong binabasa ng ama. Nainis na ang ama.

“Ano ba, inaabala mo ako.”

“Bakit ayaw mo po akong sagutin?

“Diyuuus kooo, ano… ano ang ayaw kong sagutin?”

“’Yun pong bakit kailangan mong malaman ang mga nangyayari sa bansa?”

“Siyempre, baka nagkakagulo na ay wala pa tayong kaalam-alam. O, ngayong nasagot ko na, puwede bang iwan mo na ako dahil gusto kong magbasa ng diyaryo.”

“Bakit ayaw mo akong kausapin kapag nagbabasa ka ng diyaryo?”

“Puwede ba, tigilan mo na ako sa kaba-bakit mo? Maba­baliw ako sa iyo!”

“Baliw? Kagaya ng taong grasa doon sa palengke?”

“Oo!”

“Marunong ba silang magbasa ng diyaryo?”

“Hindi!”

Umalis ang bata at nagpunta sa altar. Nagdasal ito nang malakas.

“Dear Jesus, sana maging taong grasa na si Papa para hindi na siya makapagbasa ng diyaryo. Kapag hindi na siya marunong magbasa, kakausapin na niya ako at makakakuwentuhan ko na siya. Amen.”

AMA

ANO

BAKIT

BALIW

DEAR JESUS

DIYARYO

DIYUUUS

KAGAYA

OO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with