^

Punto Mo

10 Mental Tricks

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

…para labanan ang pisikal na sakit:

1. Ayon sa British researchers, ang pagsigaw ng “shit” habang nasasaktan ay nakakatulong upang matiis ng isang tao ang hapdi dulot ng injury.

2. Ang mammogram ay screening procedure for breast cancer at ito raw ay masakit dahil iipitin lang naman ang boobs ng instrumento. Upang maibsan ang sakit, isa-isang panoorin sa cellphone ang mga pictures ng anak at mahal sa buhay. Kapag nakakakita tayo ng loving face ng ating mahal sa buhay, automatic na may lumalabas na chemicals sa ating katawan na nagiging dahilan upang tumigil sa pagtatrabaho ang pain processing area ng ating utak.

3. Nakakaalis ng sakit ang pag-iimadyin ng  “sexy encounter” ninyong mag-asawa, ayon sa psychologists ng University of Wisconsin.

4. Bago itusok ang karayom sa iyong balat (kapag nagpapa-injection), ang trick para hindi maramdaman ang sakit—hu­minga ng malalim.

5. Mag-meditate lagi araw-araw. Ang regular meditation ay nagpapakapal ng cortex, bahagi ng utak na nakakadama ng pisikal na sakit. Mas makapal, mas mahirap tablan ng sakit.

6. Kung masakit ang ulo, ngumuya ng apple at magsindi ng apple scented candle. Base sa pag-aaral na isinagawa ng Smell & Taste Treatment and Research Foundation in Chicago, may epekto ang amoy ng apple upang tumigil ang pananakit ng ulo. Ang amoy ng apple ang nakakapagparelaks sa utak.

7. Magpantasya ng paboritong pagkain kapag may menstrual cramps, back pain, at migraine.

8. Ang pakikinig ng musika ng isang oras araw-araw ay nakababawas ng sakit at depresyon.

9. Art therapy ay ginagamit na ngayon sa medical settings. Ang isang oras na art therapy ay nakapagpapagaan ng nada­damang sakit na pisikal o psychological ng mga taong may HIV/AIDS.

10. Ang pinakamabilis, pinaka-natural at walang gastos – pagtawa. Ito ang payo ng mga researchers sa UCLA. Kahit sa una ay i-fake mo. Habang tumatagal, matatawa ka ng totoo.

vuukle comment

AYON

HABANG

KAHIT

KAPAG

MAGPANTASYA

SAKIT

TASTE TREATMENT AND RESEARCH FOUNDATION

UNIVERSITY OF WISCONSIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with