Mga Kakaibang ‘Insurance Claim’
A Bride on Fire
WALANG pagsidlan ng tuwa si Paula Catelli ng Rimini, Italy dahil araw ng kanyang kasal na isinagawa sa beach. Pagkatapos ng kasal ay ni-request ng photographer na kukunan niya ng solo shots si Paula. Palibhasa ang photographer ay kay Paula nakatingin pagkatapos saka sisilip sa lente ng camera, hindi niya napansin ang barbecue stand na may nakasalang na karne sa bandang likuran ng bride.
Sumusunod lang si Paula sa bawat sabihin ng photographer : Urong... pose...smile. Tingin sa kaliwa... pihit sa kanan... hanggang sa nagulat na lang ang lahat sa sigaw ng Bride. Ang kaliwang kamay na may guwantes ay napadikit sa apoy mula sa barbecue stand. Ang dulo ng head dress o belo ay parang bandila na iwinawagayway ng hangin kaya nahagip din ng apoy. Mabilis ang pangyayari!
Nakita na lang ng lahat na nag-aapoy ang bride. Naging maagap ang groom. Inihiga niya sa buhangin si Paula. Nang maapula ang apoy ay agad niya itong binuhat at inihagis sa dagat. Pareho silang magaling na manlalangoy sa kolehiyo.
Resulta: Nabuhay naman ang bride pero 50 percent compensation lang ang natanggap niya mula sa insurance company. Kung tutuusin ay hindi siya qualified na mabayaran ngunit dahil sa awa ay binayaran na rin kahit 50 percent.
- Latest