^

Punto Mo

Menopause

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

MARAMI ang nagsasabing mahirap makitungo sa mga nanay o tita na menopausal na dahil laging mainit ang ulo. Anu-ano ang mga pagbabago sa pangangatawan at pakiramdam ng babaing nagme-menopause?

1. Makakaranas ng palpitations. Bago mag-menopause, may tinatawag na perimenopause. Hindi kaagad nangangahulugang may problema sa puso. Maaaring hormonal changes lang dahil akyat-baba ito. Kung hindi naman tumatagal ng ilang minuto ang palpitations at hindi ka naman kinakapos ng hininga at hinihimatay, hindi ka dapat mag-alalang may sakit ka na.

2. Tataas ang iyong bad cholesterol. Ang female hormone na estrogen, ay hindi lamang nireregula ang menstruation. Pinapanatili rin nitong mababa ang LDL (bad cholesterol) at mataas ang HDL (good cholesterol).

3. Biglang gustong mapag-isa. Dahil sa hormonal changes, may dulot din ito sa emosyon at maapektuhan ang social life. Hindi depressed. Hormonal at emotional lang.

4. Ang menopause period ang panahon ng cleansing at detoxing. Dahil nababago na ang hormonal levels, makakatulong kung ang pagkain ay malinis at walang karagdagang kemikal at pesticides.

5. Nagda-dry at nagpi-flake ang balat. Bumababa rin ang paggawa ng balat ng oil kaya mistulang nagbabalat o nangangaliskis. Kakailanganin nang mas malakas na moisturizer o oil para mapanatili ang ganda ng balat.

6. Hindi kaagad mawawala ang hot flashes. Madalas pa itong umatake sa gabi at mahihirapang makatulog nang maayos. Mainam na gumamit ng maninipis na kumot at kubrekama at mas malamig na temperatura kapag matutulog na. Maging ang simpleng paghinga nang malalim ay malaki rin ang maitutulong upang maging presko ang pakiramdam.

7. Mag-ehersisyo. Bukod sa mas prone sa pagdagdag ng timbang kapag nagmemenopause, may mga hormonal ring pagbabago. Pero ang pag-eehersisyo ay masosolusyunan ito pareho. Maiiwasan ang labis na pagbigat, gayundin mama-manage ang hormonal fluctuations. You will feel good.

8. Pagnipis ng buhok. Pagtigas, pagrupok at paglalagas ay mararanasan kapag nagme-menopause, Hindi lang iyan, maging ang balat sa buong katawan ay maaaring maging dry.

9. Tumataas ang libido. Kung gaano umano ito kagulo at gaano ka ka-“excited” noong teenage years, ganoon din daw ang mararamdaman kapag nagme-menopause.

10. Nagiging antukin at gustong idlip ng idlip. Huwag itong pigilan dahil ang pagiging well-rested ay makakatulong upang maagapan ang mas magulong dulot ng hormones.

ANU

BIGLANG

BUKOD

BUMABABA

DAHIL

HORMONAL

HUWAG

KAKAILANGANIN

MAAARING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with