^

Punto Mo

Trapik sa MM: Magbaon ng mahabang pasensiya

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

HINDI na nakapagtataka kung bakit marami ngayon ang insidente ng mga bangayan o awayan sa mga lansangan.

Isa sa sanhi nito ay marami sa mga motorista ngayon ang maiinit ang ulo. Kung bakit? Ito  ay dahil sa matindi at kalbaryong trapik na kanilang nararanasan kundi man sa lahat na yata ng kalye ng Metro Manila, eh sa mas nakakaraming lansangan.

Nauunawaan naman daw ng mga motorista na kapag ganitong buwan o panahon ay talagang titindi ang trapik, dahil nga sa holiday rush.

Marami ang busy sa pamimili, sa pamamasyal at kung anu-ano pa. Mistulang palagiang nagmamadali ngayon ang mga tao.

Ang hindi nga lang daw nila maintidihan eh kung bakit, grabe daw yata sa lahat ng Disyembre na nagdaan, ang trapik na nararanasan ngayon.

Ito ay sa kabila nang kung anu-anong pamamaraan ang ipinatutupad, pero lahat yata ng ipanukala ng MMDA eh walang nangyayari.

Ni katiting na pagbabago sa trapik eh hindi nararamdaman.

Isa pa rito, eh walang nakaposisyon na traffic en­forcers sa mga intersection kaya lalong nagkakabuhol-buhol ang trapik­.

Naku, lalo na sa Maynila, hindi malaman ng mga moto­rista kung hanggang kailan ang kanilang kalbaryo sa trapik­ sa lungsod.

Naturingang sangkaterba ang mga tauhan ng Manila Traffic Bureau, pero sila yata ang nasusunod sa kung saan nila gustong mag-pwesto.

Hindi ang puwestuhan eh yung  mga intersection na madalas na masarhan o maharangan ng naglalakihang trak.

Sino ang hindi iinit ang ulo kung nakailang ‘go’ na sa lugar mo ang stop light eh hindi ka makaabante dahil nakaharang ang malalaking trak na humahabol talaga kahit puno na ang pupuwestuhan nila.

Kaya nga marahil laging magbaon ng mahabang pasensiya, dahil sa tindi ng trapik na ito talagang madalas na away ang masasagupa mo.

DISYEMBRE

ISA

KUNG

MANILA TRAFFIC BUREAU

METRO MANILA

TRAPIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with