^

Punto Mo

Saang bansa nagmula…

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

… ang mga Beauty Tips na sumusunod:

1. Sa England nagmula ’yung pinapalamig muna ang tea bag sa freezer bago ipatong sa mata upang matanggal ang eyebag.

2. Sa Greece nagmula ang pagba-body scrub gamit ang olive oil-sugar mixture.

3. Sa Poland ginaya ang pagpapahid ng honey sa lips upang maging soft at kissable ito.

4. Imasahe sa mukha ang fresh grape juice na may kahalong honey. Banlawan ang mukha ng malamig na tubig.

5. Sa Singapore ginaya ang pagmasahe ng dinurog na hinog na papaya sa mukha.

6. Ang mga Koreans ay gumagamit ng virgin coconut oil para imasahe sa mukha sa loob ng 4 minuto. Tanggalin ang oil sa pamamagitan ng paghilamos gamit ang foaming cleanser. Maligamgam na tubig ang ipangbanlaw.

7. Ang mga lola sa Columbia ay gumagamit ng mga sumusunod upang imasahe sa anit: 2  eggwhites + kalahating avocado na dinurog ng tinidor. Hayaang nakababad sa ulo ng 15 minutes. Banlawan at lagyan ng conditioner.

8. Sa Guyana, naniniwala sila na ang pagkain ng sardinas ay nakakakintab ng buhok at nagpapabilis ng paghaba dahil sa taglay nitong omega 3 fatty acid. Ang Gu­yana ay nasa Caribbean coast at bahagi ng South America.

9. Ang ginagawa ng Mexico­ upang mabawasan ang sobrang pagkulot ng buhok: Ipinapahid nila ang mixture na ito sa kulot nilang buhok upang maiwasan ang tangles –  1 Kutsarang powder unflavored gelatine + 1 cup water + 1 kutsaritang cider vinegar. Imasahe ang mixture sa anit. Ibabad sa ulo sa loob ng 5 minuto. Banlawan ng tubig.

10. Sa panahon ng tag-ulan sa Ireland, ang ipinangbabanlaw nila sa buhok matapos mag-shampoo ay tubig-ulan. Nakakakintab ito sa buhok.

vuukle comment

ANG GU

BANLAWAN

BEAUTY TIPS

IMASAHE

SA ENGLAND

SA GREECE

SA GUYANA

SA POLAND

SA SINGAPORE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with