^

Punto Mo

Manong Wen (138)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“E TONG patikim ko, um!’’

Sapol sa mukha si Jo nang tuhurin ni Chester habang hawak ang kanyang ulo. Nakakita siya ng estrelya. Parang eksena iyon sa UFC na pinanonood niya sa TV. Agad siyang nagpumilit maka­bitaw sa pagkakahawak ni Chester. Kung hindi siya makaka­bitaw, tiyak na ang pagtuhod muli sa kanya. Pagbitaw niya, walang patid na iwinasiwas niya ang arnis at sunud-sunod na tinamaan sa mukha at katawan si Chester.  Kung mabilis tumuhod si Chester, tinapatan niya iyon nang walang puknat na palo. Bawat palo niya sa katawan ng demonyo ay lumalahid. Kitang-kita niya ang pagbakat ng metal na arnis sa balat ni Chester. Walang iniwan sa nilatigo ang demonyo. Narindi sa mga palo si Chester at napaatras. Humihingal. Hanggang sa ang mga latay ng palo sa balat ay nagsimulang dumugo.

Lalong nag-ulol si Chester. Sumugod. Lumipad at sumipa sa ere. Sapol sa mukha si Jo. Bumagsak siya. Nagdilim ang paningin niya. Matindi ang sipa ng demonyo. Mukhang eks­perto ito sa pagsipa at pagtuhod.

Bumangon si Jo. Kung mabilis si Chester, tatapatan niya ito.

Siya naman ang sumalakay. Pinaulanan nang matinding palo si Chester sa mukha. Pupuruhan niya sa mukha at bahagi ng mata para hindi ito makakita. Kapag hindi ito makakita, tiyak na babagsak na.

Pero kahit na ilang beses na niyang pinalo ay nanatiling ma­tigas ang mukha ni Chester. Parang bakal ang mukha at tumataginting ang arnis niya sa bawat hataw. Bakal sa bakal? Anong klaseng tao ito?

Inupakan pa niya nang sunud-sunod na palo pero hindi nga tina­tablan. Matigas.

“O pagod ka na? Ako naman!’’

Muli siyang sinugod ng demonyo. Flying tuhod ang ibinigay. Pero bago lumapat sa kanyang mukha ang tuhod nito ay mabilis na naisalag ni Jo ang arnis. Tumama sa lulod nito ang arnis na metal. Nasira ang pagtuhod at napaaringking sa sakit si Chester. Bumagsak ito.

Kung ganoon, naisip ni Jo, mahina ang mga tuhod ni Chester. Iyon pala ang dapat niyang puruhan ng palo.

Inupakan niya ng palo ang kabilang lulod. Sapol! Lalong napaaringking sa sakit! Aaaahhh!

(Itutuloy)

vuukle comment

BUMAGSAK

CHESTER

INUPAKAN

LALONG

MUKHA

NIYA

PALO

PERO

SAPOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with