School bus na may jet engine ipinakilala sa Indiana
ISANG lalaki sa Indiana, USA ang nakagawa ng isang school bus na tumatakbo gamit ang jet engine.
Tinawag na ‘School Time’, ang school bus ay ideya ni Paul Stender, isang engineer. Ginawa niya at ng kanyang mga kaibigan ang buong bus dahil walang pangkaraniwang bus ang makakatagal sa bilis ng isang jet engine. Kaya naman kakaiba ang materyales ng bus na gawa sa metal na tulad sa mga parte ng eroplano.
Pagkabuhay pa lamang ng makina ng ‘School Time’ ay kapansin-pansin na ito dahil nagbubuga ang tambutso ng mala-impyernong apoy na umaabot sa 80 talampakan ang taas. Kaya naman hindi na nakapagtatakang napakatakaw sa gasolina ng bus na umuubos ng 150 gallon sa bawat takbo nito.
Nag-iikot ngayon ang ‘School Time’ sa buong Amerika upang ipamalas sa publiko ang kakaibang bilis nito. Ayon kay Paul, naisip niyang gawin ang ‘School Time’ upang makapagbigay aliw lalo na sa mga bata na mahilig sa mga sasakyang napakabilis at para na rin maengganyo ang mga ito sa larangan ng engineering.
- Latest