^

Punto Mo

‘Pananamantala ngayong bagyo’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

RAMDAM na ang paghagupit ng bagyong Ruby sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kabahagi ng serbisyo-publiko, pinaalalahanan ng BITAG Live ang mga kababayan natin na matinding naaapektuhan ng kalamidad, maging ‘lerto sa lahat ng oras.

Tumutok sa mga balita at update na ibinibigay ng mga kawani ng media para alam ninyo ang nangyayari sa inyong kapaligiran.

Subalit, maliban dito, patuloy ring nagbibigay ng All Points Bulletin (APB) ang BITAG.

Mag-ingat din sa mga putok sa buhong bigla nalang magsusulputang parang mga utot sa kabila ng pagbayo ng bagyo.

Maglabasan bigla ang kung sino-sinong mga talpulanong magso-solicit o hihingi ng donasyon at pera.  Gagamit ng mga pangalan ng mga kilala at mala­laking personalidad para makapanloko at makapambiktima.

Maaaring natatawa kayo o hindi naniniwala sa ganitong uring modus. Pero mabuti nang nabigyan namin kayo ng babala.

Ang kanilang estilo, ipapadala nalang daw sa mga remittance company. Kapag ganito na ang kanilang tono, magduda na kayo.  Kaya sa mga tanggapan, mapa-pribado man o gobyerno, mag-ingat sa mga lalapit at hihingi ng kung ano-ano lalo na kung malalaking halaga ng pera ngayong panahon ng kalamidad.  Hindi naman masamang tumulong sa kapwa pero baka madenggoy at mapagsamantalahan lang kayo ng mga dorobo’t manggagantso.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

ALL POINTS BULLETIN

GAGAMIT

KABAHAGI

KAPAG

KAYA

MAAARING

MAGLABASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with