^

Punto Mo

Health Secrets (Last part)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Russia

Mayroon silang Golden root, or Arctic root (a.k.a. Rhodiola rosea), isang herb na nabubuhay sa matataas na bahagi ng Arctic region. Ginagamit nila itong gamot para sa infection, depression at nervous system disorder. Nagsagawa sila ng pag-aaral tungkol sa golden root at natuklasan nilang ito pala ay nakakapagpataas ng energy ng isang tao para hindi agad siya mapagod at ma-stress dulot ng sobrang trabaho.

Prescription: Maglaga ng golden root at inumin na parang tsaa pagkatapos ng isang nakakapagod na gawain.

Netherlands

Ang sekreto ng mga Dutch kung bakit sila malulusog at mahaba ang buhay ay gumagamit sila  ng bisikleta sa halip na sasakyan sa short trips. Humahaba o nadadagdagan ng 14 months ang buhay ng mga Dutch drivers na gumagamit ng bisikleta araw-araw.

Prescription: Magbisikleta ng 30 minuto 3 times a week upang mabawasan ang tsansa na magkaroon ng sakit sa puso, diabetes at cancer.

India

Ang paggamit nila ng curry powder sa kanilang mga lutuin ang sekreto ng kanilang mabuting kalusugan. Ang curry powder ay may turmeric spice  na humahadlang upang ang isang tao ay makaiwas sa Alzheimer’s disease. Ang Northern India ang may pinakamababang kaso ng Alzheimer’s.

Prescription: Magluto ng pagkaing may curry powder or turmeric spice once a week. Ang turmeric ay luyang dilaw. Ang isang recipe na ginagamitan ng luyang dilaw ay bopis.

Greece

Ang pag-idlip (nap) ng 30 minutes pagkatapos ng tanghalian tuwing ikalawang araw ay nagpapababa (37 %) ng tsansa na magkaroon ng sakit sa puso.

Prescription: Kung hindi magawa ang pag-idlip sa weekdays dahil may trabaho, gawin ito sa weekend.

 

vuukle comment

ANG NORTHERN INDIA

GINAGAMIT

HUMAHABA

MAGBISIKLETA

MAGLAGA

MAGLUTO

MAYROON

NAGSAGAWA

RHODIOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with