^

Punto Mo

Dapat nang umaksiyon ang SC sa EDCA

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

SA mga usaping madalas na pagtalunan ay marapat lang na agad umaksiyon ang korte suprema upang matapos na ang mga debate ng mga pabor at kontra sa isyu.

Isang halimbawa ay ang usapin ng Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA) na ayon sa mga kritiko ay labag sa Saligang Batas.

Sa paniniwala ni Sen. Miriam Defensor Santiago na dapat ay dumaan sa pag-aapruba ng senado ang EDCA na isang uri ng tratado.

Pero ayon sa Department of Foreign Affairs at maging ng Malacañang  ay isang uri ng  executive department ang EDCA kung kaya hindi nakailangan pang ratipikahan ng Senado.

Kung tutuusin ay kahit pa maaprubahan ang EDCA sa Senado ay tiyak na makakalusot naman ito lalo pat mayoryang senador ay kaalyado ng administrasyon.

Si Santiago ay isang abogado at ang DFA maging ang Malacañang ay mayroong sariling legal team na nagrebyu sa  legalidad ng EDCA upang walang malabag na batas.

Kung sa ganitong sitwasyon ay nagdedebate ang parehong mga abogado ay makakabuting agad ng umaksiyon dito ang Korte Suprema na susundin ng lahat sa isyu ng legalidad.

Hindi puwedeng balewalain ang usaping ito ng taumbayan dahil usapin ng pambansang seguridad kung kaya tayong lahat ay may  pakiaalam sa usaping  ito.

Importantemg maging malinaw ang nasabing kasunduang ito sa US dahil kapakanan ng bansa ang nakasalalay dito.

Hindi rin puwedeng ipagwalambahala ang isyu sa pagtulong ng US sa Pilipinas sakaling may mang-away sa ating bansa sa gitna ng tensiyon sa West Philippine Sea kung saan nambu-bully ang China.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ENHANCE DEFENSE COOPERATION AGREEMENT

KORTE SUPREMA

MALACA

MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

SALIGANG BATAS

SENADO

SI SANTIAGO

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with