^

Punto Mo

Pasko na

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

ILANG tulog na lang at Pasko na. Nag-uumpisa na ang kaliwa’t kanang Christmas Party. Marami nang nagpaplano kung ano ang ihahandang pagkain sa Pasko at kung anu-ano pang may kaugnayan dito.

Pero alam n’yo kung saan nagsimula at bakit natin pinagdiriwang ang Pasko o kapanganakan ni Hesus?

— Hindi matukoy kung ang araw ng kapanganakan ni Hesus ay talagang December 25. Subalit ang petsang ito ay nabuo noong 4th Century ng mga obispo ng Roma.

— Ang basehan nito ay ang pagsamba ng mga Romano sa Araw dahil sa kanilang pagdepende rito para sa kanilang masaganang ani.

— Nagpipista sila kapag winter solstice, tuwing Disyembre kung saan pinakamaikli ang araw. Bahagi ng kanilang tradisyon ay ang pagbo-bonfire upang daw bigyan ng lakas ang Sun God at muling bumalik ang “buhay” nito. At habang nagpapalit ng panahon at muling umiikli ang gabi at humahaba na muli ang araw, nagdiriwang ang mga tao sa pagwawagi ng Araw sa dilim.

— Ang naitalang unang pagdiriwang ng Pasko ay noong Dec 25 336AD, panahon  ng Emperador ng Roma na si Constantine. Makalipas ang ilang taon, prinoklama na ni Pope Julius 1 na ang selebrasyon ng kapanganakan ni Hesus ay gaganapin tuwing Disyembre 25.

— May mga ibang naniniwala at ipinagdiriwang ang pagsilang ni Hesus kung Marso 25 kung kailan sinabi kay Maria na siya ang magdadala sa Anak ng Diyos. Siyam na buwan bago ang pagsilang. Kaya dito na-compute ang petsang December 25 bilang kapanganakan ni Hesus.

Dapat gunitain ang pagsilang ni Hesus na sumisimbolo sa ating pag-asa at pagkakataong mabuhay ng mapayapa sa Panginoon sa pamamagitan ng anak Niya. Ito ang second chance na ino-offer sa atin ng Diyos ang greatest gift of all dahil ipinapangako nito ang buhay na walang hanggan.

Kaya ko ipinagdiriwang ang Pasko ay dahil ito rin ang kaarawan ko!

Maagang Maligayang Pasko!

ARAW

CHRISTMAS PARTY

DISYEMBRE

DIYOS

HESUS

KAYA

KUNG

MAAGANG MALIGAYANG PASKO

PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with