^

Punto Mo

EDITORYAL – Shabu sa Bilibid

Pang-masa

NAKAALARMA ang sinabi ni DOJ Secretary Leila de Lima na totoo ang illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP). May shabu sa loob. Kinikilala ni De Lima ang high-profile inmates na nagpapatakbo ng drug trade sa Bilibid. Ayon kay De Lima, pinatatakbo ng mga drug lord ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng cell phones. Nagagawa umanong makapagpasok ng droga dahi sa pakikipagsabwatan sa mga personnel ng Bureau of Corrections (BuCor) at maging sa mga guwardiya. Mabilis ang pag-transact ng droga sa inmates dahil sa cell phones. Marami nang naipasok na cell phones sa loob dahil kakutsaba ang mga guwardiya.

Maaaring sa mga susunod na araw ay mapabalita na may shabu laboratory sa Bilibid. Imagine, kung doon mismo sa loob lulutuin ang shabu, hindi na mahihirapang ipasok sapagkat dun na mismo ginagawa. Wala nang kahirap-hirap at basta na lamang idideliber sa mga bilanggong umorder ng shabu. Babatakin na lamang ng mga adik na bilanggo. Posibleng makapagluto ng shabu sa loob sapagkat kakutsaba ang mga opisyal ng BuCor. Lahat ay magtatakipan.

Ano naman kaya ang masasabi ni BuCor director Franklin Bucayo sa mga binulgar ni De Lima. Gumagawa na ba siya ng aksiyon? Nagkakaroon na ba nang paghihigpit? Nakakahiya ang sinabi ni De Lima na magsasagawa na ng crackdown sa mga personnel at guwardiya na nakikipagsabwatan sa mga inmate na drug lord.

Kailangan ang malawakang paglilinis sa BuCor. Hindi na simpleng problema lamang ang illegal trade sa loob. Linisin mula ulo hanggang paa ang BuCor. Sibakin lahat para wala nang koneksiyon ang mga drug lord sa mga opisyal at personnel ng BuCor! Madaliin din naman ang paglilipat ng NBP sa malayong probinsiya para wala nang makontak ang mga drug lord na nakakulong.

ANO

AYON

BABATAKIN

BILIBID

BUREAU OF CORRECTIONS

DE LIMA

FRANKLIN BUCAYO

NEW BILIBID PRISON

SECRETARY LEILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with