^

Punto Mo

Ang Rasyon na Almonds

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISA sa mga tagapagsilbi ang squirrel sa kanilang Haring Leon. Pinagbubuti niya ang pagsisilbi sa hari dahil pagtanda niya ay pinangakuan siya nito ng araw-araw na rasyon ng tatlong kilong almonds. Araw at gabi ay nagtatrabaho siya sa palasyo ng hari. Nawalan na siya ng oras upang maglibang.

Naiinggit siya sa kanyang mga kasamahang squirrel na kahit nagtatrabaho ay may oras pa rin upang maglibang. Ngunit inaaliw na lang niya ang sarili na pagtanda naman niya ay may matatanggap siyang rasyon ng almond araw-araw mula sa hari. Aba, bihirang-bihira sa mga squirrel ang nakakatikim ng almonds.

Lumipas ang maraming taon, matanda na ang squirrel at uugod-ugod na. Bago lumisan sa palasyo ay binigyan siya ng parangal ng hari at paunang rasyon ng almonds – isang tiklis ng almonds.

Natuwa ang squirrel ngunit sandali lamang – sa sobrang katandaan ay nabungi na ang lahat ng kanyang ngipin. Ano ang ipangngunguya niya sa almonds?

ALMONDS

ANO

ARAW

HARING LEON

LUMIPAS

NAIINGGIT

NATUWA

NAWALAN

NGUNIT

PINAGBUBUTI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with