^

Punto Mo

Manong Wen (126)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PALAPIT nang palapit ang mga yabag kaya ibinuhos ni Princess ang lakas sa pagkalikot sa susian. Sabi sa kanya ni Jo kanina, biglain daw ang pagpihit. Binigla nga niya ang pihit sabay kalikot at may narinig siyang tila nalaglag na mekanismo sa loob ng susian. Parang may nakalas.

Pero kasabay ng pagkalas ng mekanismo, biglang lumitaw ang bantay. Malaking lalaki na nakasumbrerong tila kay Palos. Mabalasik ang mukha. Huling-huli si Princess.

“Hoy!”

Napatigil sa ginagawa si Princess. Kumalma siya. Hindi dapat magpanik. Kailangang magpakatatag para magtagumpay.

“Tarantada ka, paano ka nakapasok dito?”

“Naligaw po ako Sir. Bumibili po ako sa store kanina pero dito ako napunta.’’

“Naligaw ka? Bakit kinakalikot mo yang susian?”

“Akala ko po dito ang daan…” Sabi ni Princess na unti-unting lumalapit sa nawasak na silya na pinagkunan niya ng alambreng ginamit sa pinto. Kailangang madampot niya ang dalawang paa ng silya para magamit na arnis.

“Pulis ka siguro ano? Mukha kang parak.”

“Hindi ako parak, Sir. Ano ako, pokpok na naligaw nga rito.’’

“Pokpok ka?’’

“Oo. Gusto mong makita ang boobs ko.’’

Natakam ang bantay. Napatitig sa boobs ni Princess. Nag-iisip. Parang na-challenge.

“Gusto mong silipin?” Tanong ni Princess at umisod pa palapit sa kahoy.

“Sige.’’

“Maghuhubad ako pero pumikit ka muna.’’

“Okey. Eto nakapikit na ako.’’

Pagpikit, agad dinampot ni Princess ang dalawang dos por dos na kahoy at inupakan ng sunud-sunod na palo sa mukha at ulo ang bantay. Pinasadahan niya ng palo sa lulod at bumagsak ang lalaki. Parang dinaanan ng bagyo!

(Itutuloy)

AKO

BAKIT

BINIGLA

KAILANGANG

NALIGAW

PRINCESS

SABI

SIR. ANO

SIR. BUMIBILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with