^

Punto Mo

EDITORYAL - Magagamit kaya ang FOI Bill?

Pang-masa

SA wakas, lusot na sa House of Representatives Committee on Public Information ang consolidated Freedom of Information (FOI) Bill. Namayani ang botong 10 laban sa 3. Ang tanong maging kapaki-pakinabang pa kaya ito? Magamit kaya ito?

Sa kabila na aprubado ng Technical Working Group, marami ang hindi nasisiyahan sapagkat may mga exceptions sa ilang Section ng panukala na magpapahirap din sa sinumang gustong makakuha ng kopya ng transaksiyon ng gobyerno o mga opisyal. Maski ang media at karaniwang mamamayan ay hindi rin magkakaroon ng access sa mga inpormasyong kailangan nilang malaman.

Hep! Hep! Ano ito? Hindi pa man batas ay waring­ inalisan na ng kamandag ang FOI at hindi rin mapapakinabangan ng mga nagnanais makialam sa ginagawa ng gobyerno, opisyal at ibang inihalal ng taumbayan.

Sabi ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa isang radio interview, parang binuhusan ng tubig ang FOI.  Si Colmenares ay isa sa awtor ng FOI. Ayon kay Colmenares, sa Seksiyon 7 ng panukala, nakasaad daw doon na madali lang i-withhold ng pamahalaan ang mga inpormasyon na kailangan ng sinuman. Ma­aring makagawa ng paraan para hindi maka-access sa inpormasyon ang gustong malaman ang nangyayari sa pamahalaan. Sinabi ni Colmenares na iwi-withdraw niya ang authorship sa panukala at sa plenaryo na lang ipipilit ang amendment.

Nakadidismaya ang nangyari sa FOI. Sa halip na magkaroon ng access ay lalo pa palang mawawalan ng pagkakataon ang mamamayan. Paano na ang nakasaad sa Sec. 28 Article II at Sec. 7 Article III ng 1987 Constitution na may karapatan ang mamamayan na malaman ang mga transaksiyong ginagawa ng pamahalaan. Bilang taxpayers, dapat mabatid at malinawan ng mamamayan kung saan napupunta ang kanilang ibinabayad. Dapat malaman ng mamamayan kung ano ang ginagawang programa ng public officials para mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo.

Matagal hinintay ang pag-usad ng FOI pero ganito lang pala ang kalalabasan. Duda kami kung ma­giging kapaki-pakinabang pa ito para sa kapakanan ng mamamayan.

ANO

BAYAN MUNA REP

COLMENARES

FREEDOM OF INFORMATION

HOUSE OF REPRESENTATIVES COMMITTEE

NERI COLMENARES

PUBLIC INFORMATION

SI COLMENARES

TECHNICAL WORKING GROUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with