Manong Wen (124)
NAKIRAMDAM si Princess. Saan kaya nanggagaling ang naririnig niyang iyak at ungol. Parang nag-eecho ang iyak at ungol. Idinikit niya ang taynga sa pader para malaman kung saan galing iyon. Pero wala siyang marinig. Parang solid ang pader na walang pumapasok na sound.
Nagpatuloy siya sa pagbaba sa hagdan. Tantiya niya mga dalawang palapag na ang nalakbay niya. At mayroon pang kasunod. Lalong malamig ang temperatura.
Mayroon pa kayang signal ang cell phone niya? Dinukot niya. Meron pa! Pero malo-low bat na siya. Kailangang bago ma-low bat at matawagan niya si Jo.
Tinawagan niya.
“Hello Jo.’’
“Princess! Nasan ka Princess?”
“Narito ako sa tila basement. Malalim na ang nararating ko pero wala pa akong nakikitang hideout ni Chester. Ang tanging narinig ko rito ay iyak at ungol. Hinahanap ko pero wala naman.’’
“Baka malapit ka na sa kinaroroonan ng mga kinidnap na dalagita. Baka nakakulong sila.’’
“Iyon din ang hinala ko, Jo. Ang problema, malapit na akong ma-low bat. Paano tayo magkakausap? Nasaan ka Jo?”
“Narito pa sa may gate. May dumating na van at palagay ko, may mga sakay na dalagita. Hindi pa lumalabas. Naghihintay ako ng pagkakataon para makapasok.’’
“Okey sige. Hahanapin ko ang umiiyak at umuungol.”
“Bye, Princess!”
Hinanap ni Princess ang mga umiiyak. Maaaring malapit na sa kanya dahil palakas nang palakas ang iyak at ungol.
(Itutuloy)
- Latest