^

Punto Mo

Pintor sa Singapore, gulong ang gamit sa paglikha ng kanyang mga obra

- Arnel Medina - Pang-masa

SIMPLE lang na black and white na mga larawan ang mga nililikha ng Singaporean artist na Thomas Yang. Ngunit kakaiba ang mga ito pagdating sa paraan ng paglikha.

Sa halip kasi na brush ang gamitin ni Thomas ay mga gulong ng bisikleta ang kanyang nilalagyan ng pintura upang maipinta ang mga larawan sa canvas. Pinapahiran niya ng itim na pintura ang mga gulong na kanyang ginagamit at saka niya pinagugulong sa canvas.

Puro mga sikat na landmarks ang ipinipinta ni Thomas gamit ang mga gulong ng bisikleta. Nakagawa na siya ng larawan ng Forbidden City ng Beijing, Eiffel Tower ng Paris, at Empire State Building ng New York.

Naisip ni Thomas na gumamit ng gulong ng mga bisikleta dahil sa hilig niya sa cycling. May hilig din siya sa architecture kaya naman pinili niyang gumawa ng mga larawan  ng mga sikat na architectural landmarks mula sa iba’t ibang siyudad sa mundo.

Naging patok ang mga likha ni Thomas na naipagbebenta niya sa mga art collectors mula sa iba’t ibang mga bansa. Sa katunayan ay sold out na ang mga indibidwal niyang painting sa dami ng tumangkilik.

 

BEIJING

EIFFEL TOWER

EMPIRE STATE BUILDING

FORBIDDEN CITY

NAISIP

NAKAGAWA

NEW YORK

NGUNIT

THOMAS YANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with