^

Punto Mo

Recipe for love (2)

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

CONFLICT management skills. Ito ang matagal ko nang itinuturing na salarin kung bakit naghihiwalay ang long-time couples. Marami ang nagsasabing “differences” ang cause ng break up, pero sa totoo lang hindi maganda ang kanilang pamamaraan sa pagreresolba ng mga suliranin. Kaya dapat maganda ang inyong method and strategy sa pag-aayos ng mga problema.

Show appreciation. Hindi ba’t masarap ng pakiramdam kapag ang mga efforts mo ay kinikilala ng iyong kapareha – para bang pakiramdam mo ay tuwang-tuwa sila at pinahahalagahan ang nagawa mo? Do the same to them. Kapag nag-effort, appreciate. Acknowledge it. Recognize it.

Support. Hindi ba’t healthy at masarap ang pakiramdam kapag alam mong ang iyong partner ay suportado ka sa mga pangarap at ninanais mo sa buhay? Someone believes in you – naniniwala sa kakayanan mo at may magboboost ng iyong confidence to do what you want.

Acceptance. Upang maging maligaya, kailangan ninyong tanggapin na kayo ay dalawang indibidwal na may sarili at angking pagkatao at mga kagustuhan sa buhay. Hindi maaaring ang lahat ng gusto mong mangyari ay gusto rin ng kapareha mo. Do not expect your partner to be your carbon copy. Accept your differences and you will be happy.

Keep your identities and still grow individually. Let your partners be. Mahalaga na kahit nago-grow kayo together as a couple ay umuunlad ka rin mismo bilang indibidwal. Hinding-hindi dapat mawala ang iyong identidad at pagkatao dahil lamang bahagi ka ng isang relasyon.

Have alone time. Ka­ilangan mo ring paminsang mapahiwalay sa iyong kapareha para mabigyan ng sapat na oras ang sarili, pati upang mamiss ninyo ang isa’t-isa at kapag muli kayong nagkita ay muling masabik naman. Being away from your partner sometimes is healthy.

Give. Magbigay – ng oras, ng pagmamahal, ng atensiyon etc. Huwag maging maramot. At huwag din ibase ang iyong ibibigay sa iyong inaasahang matanggap.

Sacrifice. Minsan may mga bagay na kailangang isaalang-alang para sa isa pa. Minsan lang naman. But then you should be willing to make these sacrifices.

HUWAG

IYONG

KAPAG

KAYA

MAGBIGAY

MAHALAGA

MARAMI

MINSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with