^

Punto Mo

Modus sa karnap

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kamakalawa, siyam ng mga karnap na sasakyan ang narekober ng pulisya sa Parañaque City.

Natunton ang mga karnap na behikulo sa Multinational Village sa Brgy. Moonwalk sa Parañaque City.

Ang magkapatid na sina  Russel at Romulo Dolor Pacia Jr. ang sinasabing suspect sa pagtangay sa mga naturang sasakyan.

Ilan pa nga sa narekober  ay may bago pa at wala pang plaka.

Kakaibang modus ng karnap ang sinasabing isinasagawa ng mga suspect.

Bagamat noon pa man ay nagbabala na ang pulisya sa ganitong kahawig na istilo ng ‘rent a car’ ay marami pa rin ang nagiging biktima.

Ang modus umano ng mga suspect ay himukin ang kanilang mga bibiktimahin  na paupahan ang kanilang mga sasakyan, partikular ang mga bagong behikulo na hinuhulugan pa ng may-ari.

Ang ipang-aakit, ay ang malaking bayad na higit pa sa kanilang takdang  buwanang hulog.

Halimbawa, kung ang hulugang sasakyan ay babayaran ng P15,000 buwan-buwan ng may-ari, ang pangako ng suspect eh babayaran sila ng doble o P30 buwan-buwan.

Siyempre kakagat ka dahil  may panghulog ka na, may kita pa.

Lalo pang naaakit ang mga biktima dahil sa una o ikalawang buwan binabayaran sila at padadamahin ng mga suspect, hanggang sa hindi na lulutang o makokontak ang mga ito at tuluyan nang hindi maibabalik ang kanilang sasakyan.

Sa iba pa ngayong modus ng karnap, ang mismong nagpapa-rent naman ng mga sasakyan­ ang nagiging biktima­.

Kabaligtarang ang nagre-rent naman ang siyang tumatangay.

May mga insidente pa ngang nagagamit sa ibang kriminal na gawainang nire­rentahang sasakyan.

Kaya nga payo ng mga awtoridad, huwag basta-basta ipagkatiwala sa iba ang inyong mga sasakyan, dahil hindi nga ninyo batid kung saan ito pwedeng gamitin o di kaya eh kung maibabalik pa sa inyo.

Baka mangyari kayo na ang nawalan, kayo pa ang makasuhan kapag nasangkot sa ilegal ang inyong sasakyan.

 

BAGAMAT

BRGY

HALIMBAWA

ILAN

MULTINATIONAL VILLAGE

ROMULO DOLOR PACIA JR.

SASAKYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with