^

Punto Mo

Ang Propesor at si Gandhi

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NOONG nag-aaral pa si Mahatma Gandhi sa London, may white professor siya na racist at sobra ang panghihiyang ginagawa sa kanya. Gusto kasi ng propesor na ito na mag-bow ng ulo ang mga estudyante kapag kinakausap niya. Kaso, hindi iyon ginagawa ni Gandhi at madalas pa siyang makipagtalo dito kung sa akala niya ay mali ang lesson na itinuturo ng propesor.

Isang araw ay magkasabay na kumain sa cafeteria ng Universidad sina Gandhi at propesor. Sinadya ni Gandhi na tabihan ang propesor. Kagaya ng dapat asahan, nag-react ang propesor:

“Alam mo ba Mr. Gandhi na hindi dapat nagtatabi sa pagkain ang baboy at ibon?”

“Huwag kang mag-alala propesor, hindi ako maselan, pagkatapos kong kumain ay lilipad kaagad ako palayo sa iyo.”

Ang nambabarang propesor ang nakatikim ng pambabara, kaya lalo nitong pinag-initan si Gandhi sa kanyang klase. Minsan sa recitation:

“Mr. Gandhi, kung naglalakad ka sa kalye at nakakita ng dalawang bag. Ano ang pipiliin mong pulutin – ang bag na puno ng pera o ang bag na puno ng wisdom?”

“Siyempre ang bag na puno ng pera!”

Nagsalita ang propesor nang pasarkastiko, “Kung ako, mas pipiliin ko ang bag na puno ng wisdom, class, what do you think?”

Kaagad sumagot si Gandhi, “Sir, bakit ko naman pipiliin ang isang bagay na mayroon na ako? Likas sa isang tao na piliin niya ay ang bagay na wala siya.”

Pagkatapos ng recitation ay nagbigay ng exam ang propesor na hindi nagpahalatang nanggigigil sa inis. Para makaganti, nang ibinigay ni Gandhi sa propesor ang sinagutang test paper ay sinulatan ito ng propesor  ng salitang “IDIOT”. Saka ibinalik­ ang test paper kay Gandhi. Saglit na nag-isip si Gandhi kung paano siya magre-react nang hindi halatang pikon na pikon sa mapanglait na propesor. Maya-maya ay lumapit siya sa propesor.

“Sir, pumirma kayo sa aking test paper, (sabay turo sa salitang­ IDIOT) pero nakalimutan mong lagyan ng grade.”

vuukle comment

ALAM

ANO

GANDHI

HUWAG

ISANG

KAAGAD

MAHATMA GANDHI

MR. GANDHI

PROPESOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with