^

Punto Mo

Lalaki sa Amerika, binayaran ng $18,000 para humiga ng 70 araw

- Arnel Medina - Pang-masa

NAWALAN ng trabaho ang Amerikanong si Andrew Iwanicki noong nakaraang Agosto at inaasahan niyang hihiga siya buong araw hangga’t hindi pa nakakahanap ng bagong mapapasukan. Kaya hindi siya makapaniwala nang malaman niyang paghiga pa rin sa buong araw ang gagawin nang matanggap sa bagong trabaho.

Napili kasi si Andrew ng NASA bilang bahagi ng isang pagsasaliksik. Layon ng pag-aaral ng NASA na maunawaan ang epekto ng pamamalagi sa kalawakan sa ating mga buto at kalamnan. Para makamit ito, kinakailangang pahigain ng NASA si Andrew ng 70 araw dahil malapit ang epekto ng paghiga at ng kawalan ng gravity sa katawan ng tao.

Kahit na simpleng paghiga lang ang kanyang tungkulin ay hindi pa rin ito madali ayon kay Andrew. Hindi kasi siya puwedeng tumayo kaya may mga bagay na katulad ng paliligo at pagdumi na kailangan niyang gawin habang siya ay nakahiga. Sa kabila nito, nagawa rin ni Andrew na sanayin ang sarili sa kanyang maghapong pagkakahiga. Pinalilipas na lamang niya ang oras sa pamamagitan ng panonood ng telebisyon at pagbabasa ng libro.

Para sa kanyang 70 araw na paghiga ay tatanggap si Andrew ng $18,000 (katumbas   ito nang mahigit P800,000).

vuukle comment

ANDREW

ARAW

KAHIT

KAYA

LAYON

NAPILI

PAGHIGA

PINALILIPAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with