Halaman sa Scotland, kinakain para hindi makaramdam nggutom o uhaw
ISANG halaman na karaniwang matatagpuan sa Scotland ang pinag-aaralan ngayon ng mga siyentista dahil sa kakaibang epekto nito sa mga kumakain nito.
Ang halaman, tinatawag na health pea, ay sinasabing nakaaalis ng gutom o uhaw. Ito raw ang dahilan kung bakit karaniwan itong kinakain ng mga taga-Scotland noon pa mang unang panahon bago sumapit ang ika-18 siglo.
Lagi kasing taggutom noong mga panahong iyon kaya malaki ang naging tulong ng pagkain ng health pea upang mabawasan ang pakiramdam ng pagkagutom ng mga taga-Scotland. Tumigil lamang ang mga Scots sa pagkain ng health pea nang maging masagana na ang kanilang mga ani simula nang matutunan nila ang pagtatanim ng patatas.
Ayon sa mga pag-aaral, tumatagal ng ilang araw hanggang sa isang linggo ang epekto ng health pea sa kumain nito.
Pinag-aaralan na ngayon ng isang kompanya ang mga epekto ng health pea sa kalusugan ng tao. Sa tingin, nila ay magiging patok ang na produkto ang halaman lalo na sa panahon ngayong marami ang gustong magpapayat. Magiging malaking tulong din daw ang halaman sa mga taong may trabaho na nangangailangan ng pagkontrol sa timbang katulad ng mga fashion model at boksingero.
Sa ngayon, mahirap pang makahanap ng health pea dahil sa iilang lugar lamang ito tumutubo ngunit umaasa naman ang mga nagsasaliksik sa halaman na balang araw ay posibleng itanim ito nang maramihan upang maging madali ang pag-aani at pagbebenta nito.
- Latest