^

Punto Mo

‘Counterfeit money’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

PATULOY pa rin na nagbibigay ng All Point Bulletin o APB ang BITAG sa publiko. Mag-ingat sa mga kumakalat na counterfeit money o pekeng pera.

Mas agresibo at aktibo kasi ngayon ang mga sindikatong nasa likod ng modus na ito. Binabantayan ang “ber” months season para makapambiktima at makapanloko.

Nagpapakalat ng mga bulto ng pekeng pera habang abala ang publiko sa paghahanda ngayong kapaskuhan.

Kuwidaw! posible kasing mabiktima kayo at masingitan ng mga fake money sa inyong mga pamimili at transaksyon lalo na sa mga tiangge.

Mismong ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na rin ang nagkumpirma, mabenta ang mga fake at counterfeit money habang papalapit na kapaskuhan.

Patuloy na namamayagpag ang underground industry o patagong industriyang ito dahil mayroong demand at supply sa merkado.

Depende sa denominasyon, binibili ang mga pekeng pera sa mas murang halaga at ipinapakalat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Hindi na bago ang modus na ito pero marami pa rin ang mga nasasalisihan at naloloko ng mga sindikato.

Kung hindi ka bihasa sa security features ng totoo at lehitimong pera, tiyak mahuhulog ka sa BITAG ng mga sindikato!

Upang hindi mabiktima ng mga putok sa buhong halang ang bituka, abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

Para sa iba pang mga modus tips, mag log-on sa bitagtheoriginal.com click “MODUS BUSTER.”

Nasa amin ang babala, na inyo ang pag-iingat.

ALL POINT BULLETIN

BANGKO SENTRAL

BINABANTAYAN

KUWIDAW

MISMONG

NAGPAPAKALAT

PATULOY

PILIPINAS

UPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with