‘Kaakibat sa Kalusugan’
TAONG 2014 na ngayon. Marami nang naimbentong mga gadgets na nakakamangha tulad ng iPad, laptop at cellphone na maraming pwedeng gawin. Subalit nakakalungkot isipin sa mga panahong ito, sa halip na pagtuunan ng atensiyon ang mga walang lunas na sakit gaya ng HIV, Alzheimer’s disease, Ebola virus at ang mabilis na lumalaganap (endemic) na diabetes mas binibigyang halaga itong mga bagay na ito na matatawag natin na mga luho sa buhay. Oras ang binibilang ng henerasyon ngayon na nakaupo lamang at pinaglalaruan ang mga gadgets na ito. Naglalaro ng computer games, nag cha-chat at unlimited text sa halip na kumilos at mag-ehersisyo
Ang epekto nito ay tumataba tayo, bumabagal ang sirkulasyon ng ating dugo, bumabagal din ang metabolismo, tumataas ang ating blood pressure at ang sakit na diabetes. Tulad na lamang ng karanasan ni Apolonia Navarro, nakakaramdam siya ng pananakit ng sikmura at paninikip ng dibdib. Dalawang buwan umano siyang hindi nakakain ng kanin dahil sa matinding pananakit ng sikmura. Nagpatingin siya sa doktor upang malaman ang kanyang problema at nalaman niya na siya ay may diabetes. “Kung ano-ano ang binigay na gamot sakin at ininom ko naman. Ang laki na ng ginastos ko at nagsawa na ako kabibili wala naman akong nararamdamang pagbabago,” kwento niya.
Si Heralda Samudio naman ay hindi makakilos nang maayos dahil sa matinding pananakit ng tuhod, kamay, paa at kasu-kasuan. Nagpunta siya sa health center at don sinabihan siya ng doktor na mataas ang kanyang blood sugar level at meron din siyang diabetes. “Pinaliwanag sakin ng doktor na ang pagkakaron ng ganitong karamdaman ay dahan-dahang kinakain ang aking iba’t ibang organ sa loob ng aking katawan at sa labas naman ang aking mga buto ay parang inaanay kaya’t nahihirapan akong kumilos at nananakit ang aking katawan,” aniya.
Halos sabay nilang nalaman ang tungkol sa magandang balita na may natuklasang food supplement. Ito ay ang REH King’s Herbal ni Ka Rey Herrera. Pumunta sila sa kanilang tanggapan upang malaman kung ano ang mga sangkap nito. Napag alaman nila na ito ay ang kombinasyon ng iba’t ibang ugat mula sa mga medicinal plants. Ayon kay Apolonia matapos siyang uminom ng isang bote nito ay nakaramdam siya ng ginhawa. Kaya naman nang maubos ang isang bote ay bumili pa uli siya ng ilan. “Pwede na akong hindi uminom ng iba dahil nandito ang lahat ng bitamina na kailangan ng katawan ko,” wika niya. Ginhawa rin ang naidulot nito kay Heralda dahil nawala ang pananakit ng kanyang katawan at hindi na rin siya nahihilo. Dahil dito hinikayat niya ang kanyang mga kapatid na meron ding diabetes na uminom nito. Habang tumatagal dumarami ang mga natutulungan ng food supplement na ito dahil sa natural na sangkap nito. Mula noon hanggang ngayon epektibo pa rin talaga ang mga medisinang galing sa kalikasan. Sa paglipas ng panahon kasabay ng mabilis na technological advancement ay marami pang gamot ang uusbong. Maraming mga malulubhang sakit ang magkakaroon ng lunas. Maaari tayong uminom ng mga gamot o natural na medisina upang mapalakas ang ating pangangatawan ngunit huwag nating kalilimutan na hindi pa rin ito sapat upang tayo ay maging malusog. Dahil kailangan din nating mag-ehersisyo.
Para sa mga nais magtanong sa iba pang detalye tungkol sa REH King’s Herbal maaari niyo silang matawagan sa numerong 225-2025 o magtext sa 09087766666 at 09278888368. Para sa karagdagang kaalaman tungkol dito maaari po kayong dumalo sa kanilang seminar tuwing Sabado alas-dos ng hapon sa kanilang tanggapan sa #603 R&J bldg., Quirino Highway, Bagbag, Novaliches. Maaari ring bisitahin ang kanilang facebook page i-type lang ang [email protected]. (KINALAP NI I-GIE MALIXI)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN O MAY PROBLEMANG LIGAL magpunta lang sa 5th Floor CityState Centre Bldg. Shaw Blvd. Pasig City. Maari kayong magtext sa mga numerong 09213263166, 09213784392, 09198972854. O tumawag sa 6387285 / 7104038. Bukas kami Lunes-Biyernes. Magdala lang kayo ng mga dokumentong may kinalaman sa inyong reklamo.
Ugaliing makinig ng CALVENTO FILES sa radyo, ang “Hustisya Para Sa Lahat”. Lunes-Biyernes 2:30PM-4:00PM at Sabado 11:00AM-12:00NN. Sa DWIZ 882 KHZ AM BAND. Makinig rin kayo ng programang “PARI KO” tuwing Linggo sa DWIZ 882 KHZ. Mula 9:30-10:30PM kasama sina Fr. Jojo Buenafe, Fr. Jason Laguerta at Fr. Lucky Acuna.
Sa mga taong may problemang medikal, walang kakayahang magpagamot maari din kayong lumapit sa tanggapan ng “PUSONG PINOY”, sa parehong address: 5th Floor City State Centre Bldg. Shaw Blvd. Pasig City, Lunes hanggang Biyernes 9:00 ng umaga. Huwag niyo kalimutang magdala ng photocopy ng inyong ‘Updated Medical Abstract’. Mapapakinggan ang programang “PUSONG PINOY” tuwing Sabado mula 7:00-8:00 ng umaga. Sa DWIZ 882KHZ, AM BAND.
- Latest