^

Punto Mo

Manong Wen (106)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“UMARKILA tayo ng sasakyan, Princess. Marunong naman akong mag-drive. Kailangang maabutan natin ang van na kinalululanan ni Precious,” sabi ni Jo.

“Pero wala akong alam na maaring arkilahan dito, Jo.’’

“Maski sa bayan, wala?”

“Meron sa bayan. Pero bago tayo makarating dun e tiyak na malayo na ang van. Baka hindi na natin abutan.’’

Nag-isip si Jo. Nag-aalala na rin siya sa kalagayan ni Precious. Maaaring dadalhin sa Maynila si Precious.

“Mayroon kaya tayong motorsiklo na maaaring arkilahin. Marunong akong mag-motor.’’

“Mayroon akong alam! Dun sa kanto. Mayroon akong classmate na may motor. Maaaring maarkila yun!’’

“Halika, puntahan natin.’’

“Marunong ka bang magmotor, Jo.”

“Oo. Sanay ako.’’

Aalis na sila nang may maalala si Princess. “Ang arnis dadalhin ko!”

“Huwag na. Mahihirapan ka lang. Hindi ka makaka­hawak sa akin kapag may dala kang arnis.’’

Pinuntahan  nila ang classmate ni Princess na may motor. Tamang-tama na naroon ang classmate. Nakiusap sila na aarkilahin iyon at mayroong hahabulin. Ibinigay ng classmate. Ga­mitin daw nila.

Agad na sinakyan ni Jo ang motor. Naghelmet. Pina­andar. Naghelmet din si Princess. Sumakay na ito pagkatapos.

“Humawak kang mabuti Princess at bibilisan ko. Ka­ilangang maabot natin ang van na sinasakyan ni Precious.”

(Itutuloy)

vuukle comment

AALIS

HALIKA

HUMAWAK

HUWAG

MAAARING

MARUNONG

MAYROON

NAGHELMET

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with