^

Punto Mo

‘Maagang pamumulitika’ (Ober-da-bakod time)

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NAPAKAAGA pa para sa susunod na 2016 national elections pero marami na ang mga umeepal.

Mga pulitikong mababantot at mababaho na kaniya-kaniya nang kilos. Gumagamit ng mga proyekto para maalala ng publiko o ‘di naman kaya sumasakay-angkas-sawsaw sa mga naglalabasang isyu.

Tandaan, andyan ang walang katapusang Senate hearing. Gusto nila lagi silang bida. Laging may sinasabi lalo na kapag alam nilang may mikropono at kamera.

Estilong “papogi” dahil gusto at pinipilit talaga nilang maging mabango, pero sing-baho naman ng utot ang kanilang mga pinagsasabi.

May iba namang mga “epalogs” na dinadaan sa adbokasiya ang pangangampanya. Pero para hindi mahalata, pailalim kung tumira.

Paraan nila ito para mapansin at sa kabilang banda, masubok na rin kung kakagatin at papabor ang taumbayan. Kung sa englis, “testing the water.”

Maliban dito, bantayan din ang mga balimbing na pulitiko. Asahan nang maraming mga mag-o-“ober-da-bakod.” Kaniya-kaniya nang sibatan, talunan at lipatan. Tahimik nang pumo-posisyon para sa kanilang mga ambisyon.

Hindi na ito bago. Tuwing eleksyon, pangkaraniwan na ang ganitong mga eksena.

Kaya naman laging nagpapaalala ang BITAG Live kay Juan Dela Cruz, ‘wag agad magpapaniwala sa mga sinasabi ng mga kumag, kenkoy, kolokoy na mga pulitiko.

Baka kasi sa dinami-dami ng mga balitang naglalabasan na karamihan ay mga “kakaning-baboy,” mapaniwala kayo at maging baluktot na rin ang inyong mga pag-iisip at pananaw.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

vuukle comment

ABANGAN

ASAHAN

ESTILONG

GUMAGAMIT

JUAN DELA CRUZ

KANIYA

KAYA

LAGING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with