^

Punto Mo

Holdaper na de-sasakyan, tutukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kahapon muling sumalakay sa lungsod Quezon ang de-sasakyang holdaper kung saan isang 25-anyos na babae ang biniktima nito na hinablutan ng bag.

Nangyari ang insidente sa panulukan lamang ng Samar at Mother Ignacia St., Brgy. Scout Triangle.

Lulan ng isang Toyota Innova na kulay gray ang mga suspect.

Eto pa nakunan ng CCTV ang pangyayari kung saan nakita ang plaka ng ginamit na sasakyan na numerong ‘8’ sa unahan.

Ayon pa sa mga kinauukulan, ito raw ang ikalawang pagkakataon na sumalakay ang na­turang sasakyan.

Una itong naiulat noon lamang katapusan ng Oktubre.

Hindi ba’t ang plakang ‘8’ ay iniisyu sa mga kongresista.

Usung-uso na ang mga de-sasakyang kawatan, lalu na nga sa lungsod Quezon.

Madalas ang ganitong pagsalakay sa Scout Area sa lungsod kung hindi kotse, SUV o di kaya ay mga motorsiklo ang gamit ng mga kawatan.

Walang pinipiling oras ang mga ito kahit umaga o katanghaliang tapat.

Sa mga naitalang insidente, madalas ngayon na binibiktima ng mga kawatang ito ay mga babae na inaagawan nila ng bag o gamit.

Hindi nga naman makakapanlaban na ang mga ito, kaya ito ngayon ang kanilang target.

Ito ang dapat na mabantayan ng mga awtoridad.

Hindi titigil ang mga kawatang ito at posibleng mas lalu pa ngang magsunud-sunod ang pagsalakay lalu na nga’t papasok na ang holiday season.

Hindi lang kapulisan ang inaasahan na mag-ooperate sa mga kawatang ito, kundi maging ang mga tauhan ng barangay.

Sanay lalo pang mapag-ibayo ang police visibility sa mga lansangan para na rin sa seguridad ng  ating mga kababayan.

AYON

BRGY

ETO

MOTHER IGNACIA ST.

SCOUT AREA

SCOUT TRIANGLE

TOYOTA INNOVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with