^

Punto Mo

Kalat tapos ng Undas

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Tapos na ang Undas, at ang basurang naiwan ngayon ang problemang kakaharapin ng mga kinauukulan.

Ito ang dapat na agad mahakot lalu na nga sa mga dinagsang mga sementeryo.

Hanggang kahapon ay nasumpungan pa rin ang maraming tao na nagtungo sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ang nagiging problema rito taun-taon ay ang mga basurang naiiwan pagkatapos ng selebrasyon.

Taun-taon nililinisan ang kanya-kanyang puntod ng mga yumaong mahal sa buhay, kung paano pinapaganda at nililinisan  ang mga puntod, siya namang dumi ng paligid ng sementeryo  dahil sa mga iniwang kalat ng mga taong nagtungo rito.

Kaya nga malamang na ngayong araw na ito, tone-toneladang basura ang mahahakot ng mga kinauukulan kung may maghahakot.

Sa maraming insidente na taun taon eh nasusumpungan ang kaugaliang iaayos at linisan  ang mga puntod, pero bakit nga ba sa kabila nito pagkatapos eh doon pa nasusumpungan ang matinding basura.

Maglilinis pero nagkakalat. Matindi pa nga yata ang nagiging kalat kaysa sa ginawang linis.

Bakit kaya ang gawin eh, basura mo, hakot mo !

Gayunman sa  kabuuan, itinuturing ng PNP na naging payapa ang  paggunita sa Undas.

Nakatulong din ng malaki ang ikinalat na mga tauhan sa naging kaayusan at maging ang insidente ng nakawan eh bumaba o mangilan -ngilan lang ang naitala aa kabuuan kumpara sa mga nakalipas na taon.

Tapos na ang bakasyon maging sa mga eskuwela kaya balik na naman ngayon ang mga lansangan sa matinding trapik na dito pa sasabay ang sangkaterbang paghuhukay.

Normal na itong masuaumpunga sa araw araw lalu na ngat ang nalalapuy naman ay ang holiday season kaya good luck na lang sa kalbaryo nga trapik.

BAKIT

GAYUNMAN

HANGGANG

KAYA

MAGLILINIS

MATINDI

TAPOS

UNDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with