Babaing dancer sa France, nabigti ng kanyang scarf nang sumabit sa gulong ng kotse
ANG scarf ay isang piraso ng fabric na ipinupulupot ng mga kababaihan sa kanilang leeg. Ang scarf ay tinatawag ding Kremer, muffler o neck-wrap. Sa Filipino, ito ay tinatawag na bandana.
Pero alam n’yo bang maaaring maging dahilan ng kamatayan ang paggamit o pagsusuot ng scarf? Ito ang nangyari sa sikat na dancer noon sa France na si Isadora Duncan.
Maganda si Isadora. Ang kanyang mahaba at slender na leeg ay labis na hinahangaan noon. Bagay na bagay sa kanyang pangangatawan ang mahabang leeg.
Paborito ni Isadora na maglagay nang mahabang scarf sa kanyang leeg. Ipinupulupot niya ito. Paborito niyang nakasuot ng scarf habang namamasyal sa mga lugar sa France.
Isang araw, ipinasya ni Isadora na mamasyal sakay ng kanyang sportscar. Mayroon siyang sariling drayber. At gaya ng dati nakapulupot sa kanyang leeg ang mahabang red scarf.
Nang biglang nilipad ng hangin ang dulo ng scarf at sumabit sa hulihang gulong ng sportscar. Sa lakas ng pagsabit, nabigti siya at namatay.
- Latest