^

Punto Mo

EDITORYAL – Paglaban sa red tape

Pang-masa

KAHIT maigting ang Civil Service Commission (CSC) sa pagpapatupad ng Anti-Red Tape Act (ARTA), marami pa ring ahensiya ng gobyerno ang sumusuway dito. Patuloy pa rin ang red tape sa maraming tanggapan at iilan lang ang masasabing sumusunod sa ARTA.

Taun-taon nagsasagawa ng anti-red tape test ang CSC sa mga ahensiya ng gobyerno para malaman kung naputol na ang red tape. Ngayong taon, limang ahensiya ang pumasa sa red tape test at pinuri ng CSC sa mahusay nilang serbisyo sa mamamayan na walang kapalit o “padulas” na pera. Nangunguna ang Land Bank of the Philippines sa ahensiyang may excellent na pagsisilbi sa publiko. Sumunod ang Commission on Higher Education, Philippine Health Insurance Commission, Department of Trade and Industry at Public Attorney’s Office.

Hindi naman inilahad ng CSC kung anu-anong mga ahensiya ang bagsak sa red tape test. Sana inilagay ang mga ahensiyang masama ang performance at kailangan pang “lagyan” para gumalaw ang kanilang papeles o documents na nilalakad. Kailangang hiyain ang mga ahensiyang sagad sa buto ang namamaya-ning red tape. Masyadong makakapal na ang balat ng mga empleado ng ahensiyang nasanay nang may “padulas” na pera. Nawawala na sa isipan nila na ang pinagsisilbihan nila ay mamamayan.

Noong nakaraang taon, 150 tanggapan ang bumagsak sa red tape test at 50 lamang ang nakapasa. Nangunguna sa mga tanggapang bumagsak sa red tape test ang Bureau of Customs at ang Government Service Insurance System. Kabilang din sa mga tanggapan na may “fixers” ay ang LTO at National Statistics Office (NSO). Napaulat din ang red tape sa City Hall kung saan nagkakaroon ng lagayan sa pag-iisyu ng building permit, real property taxes at iba pang bayarin sa buwis.

Ang talamak na red tape sa mga tanggapan ng pamahalaan ang sumisira sa plano ng mga dayuhang negosyante na mag-invest sa bansa. Natatakot sila sa mga hinihinging “lagay” para makapagtayo ng negosyo. Noong 2007, isang grupo ng American businessmen ang nagbantang aalisin ang kanilang negosyo sa bansa kung hindi mapuputol ang red tape.

Magmanman ang CSC sa mga tanggapan na laganap ang red tape at gawin ang lahat para maputol ang masamang praktis na ito. Ito ang sagabal sa “tuwid na daan” ng kasalukuyang pamahalaan.

vuukle comment

ANTI-RED TAPE ACT

BUREAU OF CUSTOMS

CITY HALL

CIVIL SERVICE COMMISSION

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

RED

TAPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with