Breast cancer (2)
IBA pang kaalaman ukol sa breast cancer:
1. Bumababa ang risk na magkaroon ng breast cancer kung mag-eehersisyo ng 30 minutos. Mag-jogging o brisk walking.
2. Ang low-fat diet, maraming prutas at berdeng gulay ay nakatutulong pababain ang panganib ng breast cancer. Ang mamantikang pagkain ay nagbubunsod ng produksyon ng estrogen, na naghihikayat sa pagtubo ng tumor.
3. Ang paninigarilyo at paglanghap ng second hand smoke ay mapanganib sa lahat ng uri ng kanser. Maari ring magkasakit sa puso at baga dahil sa paninigarilyo.
4. Sa mga kababaihang nagti-take ng birth control pills nang mahigit limang taon, mas mataas ang panganib na magkaroon ng breast cancer kaysa sa mga babaing hindi gumagamit nito.
5. Ang breast examination ay dapat gawin buwan-buwan. Gawin ito pagkaraan ng 7-10 araw matapos ang regla. Obserbahan ang mga sumusunod: Pagbabago sa laki, hitsura, kulay, pag-invert ng nipple, at pangangaliskis ng balat sa paligid ng dibdib at discharge mula sa nipple.
6. May kinalaman sa pagkakaroon ng breast cancer ang mga sumusunod: Kung kailan unang dinatnan ng regla, kailan nagkaanak at kung nakailang menstrual cycles ang babae. Kung bago mag-dose anyos nagkaroon ng menarche (unang menstruation), walang anak o nagkaroon ng unang anak sa edad na 30 pataas o nag-menopause matapos ang 55th birthday, mas mataas ang panganib na magkaroon ng breast cancer.
7. Ang stress ay dahilan din sa pagkakaroon ng breast cancer. Kapag stressed ang tao, bumababa ang kanilang immune system at ito ang nagiging oportunidad ng mga cancer cells na mabuo at dumami. Ingatan ang iyong reaksiyon sa stress. Matuto ng tamang stress management para sa kalusugan.
- Latest