^

Punto Mo

Bahay sa Amerika, tinaguriang ‘snake house’ dahil pinamugaran nang maraming ahas!

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pamilya sa Idaho, USA ang napilitang abandonahin ang kanilang bagong bahay matapos matuklasan na pinamumugaran ito ng sangkatutak na ahas.

Pagkalipat ng mag-asawang Ben at Amber Sessions sa bagong bahay ay napansin na kaagad nila ang maraming ahas na gumagala roon. Sa sobrang dami ng mga ahas, nakahuli si Ben ng 40 ahas sa isang araw.

Mas lalong kinilabutan ang mag-asawa nang matuklasan nilang pati ang mga dingding ng bahay ay pinamumugaran ng mga ahas. Natuklasan nila ito nang makarinig sila ng mga kaluskos na hinala nila ay nanggagaling sa partition ng mga kuwarto.

Hindi sila nagkamali sa hinala sapagkat nang baklasin ni Ben ang isang parte ng partition ng kuwarto ay parang eksena sa isang horror na pelikula ang kanilang nasaksihan --- sangkatutak na ahas ang naglabasan doon. Kilabot na kilabot ang mag-asawa.

Nang inspeksiyunin ni Ben ang buong bahay, natuklasan niyang hindi lang sa partition ng kuwarto namumugad ang mga ahas kundi pati sa kisame at sa iba pang parte ng bahay.

Shock ang mag-asawa nang malaman na nakatayo pala ang kanilang tahanan sa ibabaw ng pugad ng mga ahas kaya laging may ahas doon.

Bagamat malaking pera ang nalugi sa pagbili ng bahay, minabuti nilang lisanin ang bahay dahil sa tingin nila, nakokontamina na rin ng mga ahas ang kanilang supply ng tubig. Nagpa-interview na rin sila sa media upang mabigyang babala ang iba pang maaaring mabiktima ng tinaguriang “Snake House”.

AHAS

AMBER SESSIONS

BAGAMAT

BAHAY

KILABOT

NAGPA

NANG

NATUKLASAN

SNAKE HOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with