‘Kakanin sa araw-araw…’
NOONG 18th century, nagpupuntahan ang mga Italians sa Amerika sa pag-asang dito sila aasenso ang buhay. Ngunit sa halip na kaginhawahan sa buhay, gutom at busabos na pamumuhay ang kanilang naranasan.
Sa Italy, nabalitaan ni Sister Francesca Cabrini ang nangyari sa kanyang kababayan sa Amerika. Nagpaalam siya sa Pope at nagtungo sa New York noong 1889. May anim na madre siyang kasama upang tumulong na maisakatuparan ang kanyang misyon sa mga naghihirap na Italian immigrants. Pinatuloy sila ng Archbishop ng New York sa isang malaking bahay na nang tumagal ay ipinahiram na rin para gawing bahay ampunan. Halos mamalimos si Sister Cabrini sa mga mayayamang taga-New York para magkaroon ng pondo ang itinayo niyang charitable institution. Minsan pinagsabihan siya ng Archbishop tungkol sa paggastos ng pondo mula sa donasyon ng isang mayamang ginang.
“Sister ako ay nababahala…baka hindi mo mapanindigan ang bahay ampunan na itinayo mo. Magastos magpalakad ng bahay ampunan. Hindi mo maseseguro kung hanggang kailan magdodonasyon ang mga mayayaman. Pagkatapos ng isang taon, siguradong ubos na ang perang hawak mo. Ano ang gagawin natin next year? Saan tayo kukuha ng pangtustos sa mga bata?”
“Father, kapag tayo ay nagdadasal, hinihiling natin sa Diyos ay – Bigyan mo po kami ng aming kakanin sa araw-araw – at hindi po – Bigyan mo kami ng aming kakanin sa isang buong taon. Naniniwala po ako na may darating na grasya sa atin araw-araw.”
Sa kabila ng maraming problema, nakapagtayo si Sister Cabrini ng mga ospital, school, bahay ampunan sa New York at ibang lugar sa America. Naging santa siya noong 1946.
- Latest