^

Punto Mo

Pagnenegosyo (3)

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

NARITO ang 6 practical tips sa pagnenegosyo.

1. Minsan may mga tinatawag na happy accidents o mga blessing na nakakubli sa mga pagkakamali o aksidente. Halimbawa, ang aking tanyag na Nutella Rocks - nabuo ito dahil sa isang aksidente. Nang pinagsaklob ko ang dalawang Nutella cookies na iniiyakan ko na dahil hindi ko makuha ang lasa. Kung hindi ako nagkamali ng tatlong beses, hindi ko aksidenteng madidiskubre ang ganoong cookies ko!

2. Sa simula ng negosyo ay talagang papalabas ang lahat ng pera at talagang mataas ang demand para sa efforts mo. Siyempre nagsisimula kailangang makilala ng mga tao ang negosyo o ang produktong nilalako mo. At madalas ito ay sa anyo ng mga free taste at mga pang-PR. Pero gayon pa man, kahit palabas ang pera ay may mileage naman. Kapag nakilala na naman ng mga tao iyan at naalala, tuluy-tuloy na ang benta.

3. Kapag nag-iisip ng pangalan ng negosyo o produkto, siguruhing catchy. Maikli pero madaling tandaan at talagang may something para maalala nila. Ang Nutella Rocks ay ma­da­ling tandaan dahil mukhang bato sa hitsura pero hindi singtigas ng bato. May kabalintunaan sa pangalan nito.

4. Maging malikhain. Gumawa ako ng poster kung saan si Gummy ay naka-Darna costume at ako naman ay naka-apron na Darna at hawak-hawak ang Nutella Rock. Tapos may thought bubble siya na nagsasabing “Mummy, ang bato.” Kung tutuusin ay may mali sa litrato dahil dapat ay hindi pa siya si Darna kapag hinihingi pa lang ang bato. Pero dahil maganda ang konsepto at cute ang anak ko, hindi na napapansin ang minor glitch na ito.

5. Kung wala kang pera pang-marketing o pang-advertise, walang problema. Do It Yourself. Noong nagsi­simula ako, ako mismo ang gumawa ng photography ng mga product shots ko, pati bumuo at nag-layout ng logo at mga poster. Dahil wala akong pambayad ng professional photographer at graphic artist. May photoshop naman at digicam. Kailangan lang matiyaga at masinop.

6. Humanap ng isang salita at angkinin ito. Ariin ito. Ito ang sikreto sa matagumpay na branding. Kunwari ako, ang word ko ay Superwomom. Dapat ang lahat ng gagawin ko ay iikot sa pagpapatunay na ako ay isang Superwomom. All efforts geared towards that. Ganoon din sa negosyo. Lahat ng marketing efforts mo dapat iyon ang layong ma­kamtan. Higit sa lahat, kapag nakita ka o produkto mo ng mga tao ang unang maiisip nila ay ang salitang iyon. 

 

AKO

ANG NUTELLA ROCKS

DARNA

DO IT YOURSELF

KAPAG

NUTELLA ROCK

NUTELLA ROCKS

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with