^

Punto Mo

Trapik at road accidents!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa kabila na matindi ang trapik na nararanasan sa malaking bahagi ng Metro Manila, eh  siya namang patindi rin ang mga nagaganap na road accidents dito.

Sa tala ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) umabot sa 1,450 ang naitalang aksidente sa lansangan  sa buwan pa lamang ng Setyembre.

At ang masikip at ma-trapik na EDSA ang siyang may pinakamataas na aksidenteng naganap na nasa 553.

Sumunod dito ang kahabaan  ng C-5 na may 158, habang ang tinaguriang ‘killer highway’ ang Commonwealth Avenue sa Quezon City ay 77 ang naitalang aksidente. Ang natitirang bilang ay sa ibat-iba ng pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Base pa rin sa rekord nasa 2,876 na behikulo ang sangkot sa mga naganap na road accidents noong nakalipas na buwan ang mga pribadong sasakyan dito ay umaabot sa 800.

Nakapagtataka na sa sobrang trapik na at masikip na daan kung saan, dahan-dahan na nga ang takbo ng sasakyan ay nasusumpungan pa rin ang ganitong mga aksidente.

May paliwanag naman dyan ang mga awtoridad. Marami pa rin umano na mga driver mapa- pribado o mapa-pampubliko ang masasabing matitigas ang ulo.

Hindi pa rin madisiplina ang sarili na kapag humahawak ng manibela ay huwag gumamit ng cellphone.

Nakakawala umano ito ng konsentrasyon sa panig ng driver, kaya nabubulaga na lang minsan may nabangga o nasagian na pala siya.

Marami pa rin ang nagmamaneho ng lasing. Marami pa rin ang nagmamaneho ng halos matulog sa manibela.

At hindi maiaalis marami pa rin ang talagang balasubas kung magmaneho, ito ang mga hari ng daan na parang sawang palipat-lipat ng lane.

Kung marami ang ganitong mga pasaway, dapat maayos n a maipatupad ang batas trapiko ng mga enforcers.Baka naman maging sila ay pasaway.

Hindi na nga maayos ang daloy ng trapiko sa mga lansangan, hindi pa rin maayos ang disiplina sa panig ng mga gumagamit nito, idagdag pa rin ang ilang pasaway ding nagpapatupad ng batas trapiko.    

COMMONWEALTH AVENUE

MARAMI

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NAKAKAWALA

NAKAPAGTATAKA

QUEZON CITY

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with