^

Punto Mo

Paano aalisin ang bilbil?

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

ANG tawag pala ng mga becky sa babaing may malaking tiyan at bilbil ay Tiya Nena. Paano ba mawawala ang malaking tiyan at bilbil?

1. Huwag tumigil sa paggalaw — pagtakbo, paglakad, pag­langoy, pagbibisikleta, kahit anong gawaing makapagpapataas ng tibok ng iyong puso.

2. Kumain ng mas maraming protina at mga pagkaing mayaman sa polyunsaturated fats tulad ng mani, buto at isda.

3. Uminom ng suka isa hanggang dalawang kutsara kada araw. Ang acetic acid dito ay gumagawa ng protinang tumutunaw sa taba.

4. Matulog. Kapag puyat, mas mabilis naiimbak ang taba sa tiyan. At matulog ng parehong oras, kahit pa weekends. Kapag magulo ang body clock mo, nagpo-produce ka ng cortisol— ang hormone na nag-iimbak ng taba!

5. Uminom ng green tea. Mainam ito sa pagtunaw ng taba.

6. Kumain nang maraming suha. Ang acid sa prutas na ito ay nagpapabagal ng paglusaw kaya mas busog ang pakiramdam mo.

7. Humigop nang maraming sabaw. Mabubusog ka kaagad at mas kaunti ang makakain mo. Mababawasan ang iyong calorie intake.

8. Kumain ng dark chocolate dahil meron itong mono unsaturated fatty acids na tumutulong tumunaw ng taba sa tiyan.

9. Maglinis ng bahay. Magandang exercise dahil pagpapawisan.

10. Iwasang kumain ng mga tsitsirya at delatang pagkain dahil sa labis na asin nito.

11. Unatin ang likod. Kapag diretso ang spine at tama ang postura, mukha kang mas payat ng five pounds!

12. Kumain ng avocado. Mayaman ito sa mono unsaturated fatty acids at mainam sa pagtunaw ng taba.

13. Iwasan ang pag-inom ng mga juice, softdrinks at alak. Uminom ng gatas.

14. Lumangoy. Lalo na ang freestyle stroke. Maganda ang pag-twist ng bewang sa pagtu­tunaw ng taba rito.

15. Kumain nang ma­raming lamang-dagat. Ang salmon at iba pang matatabang isda ay mayaman sa Omega 3. Mas magandang sabawan ang mga ito. Iwasan ang pinirito dahil sa karagdagang oil.

16. Uminom nang ma­raming tubig.

17. Huwag manigarilyo.

18. Kumain ng peanut butter. Mataas ito sa fiber at protina.

19. Kumain sa oras.

20. Relax. Kapag stress tuma­taas ang lebel ng cortisol, ang responsable sa taba sa tiyan.

HUMIGOP

HUWAG

IWASAN

IWASANG

KAPAG

KUMAIN

TABA

TIYA NENA

UMINOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with