^

Punto Mo

Bakit hindi nagalaw si Tita?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

PAKI lang: Inanyayahan ang mga class coordinator ng Alimodian Central Ele­mentary­ School (ACES) sa Alimodian, Iloilo sa isasagawang meeting sa Oktubre 18. Pag-uusapan sa meeting ang gaganaping centennial celebration ng ACES sa 2015. Ayon kay Salvador Allonar, isa sa mga organizer, ang topic ng meting ay kung ilang araw at anong buwan gaganapin ang selebrasyon para makauwi ang mga alumni, lalo na yung nakabase sa abroad. Sino kaya ang pinakamatandang alumni ng ACES? Come one, come all!

* * *

Naparusahan si dating Calabarzon police director Chief Supt. James Melad dahil sa Atimonan massacre sa Quezon kung saan aabot sa 13 katao kabilang na ang gambling lord na si Vic Siman, ang napaslang. Maging ang team leader ng pulisya sa umano’y encounter na si Supt. Hansel Marantan ang 12 pa ay nakulong dahil sa kaso. Iwinawagayway naman ng National Bureau of Investigation (NBI) ang report nila na ang away nina Marantan at Siman ay nag-uugat sa jueteng ni alyas Tita sa Calamba City. Nais ng kampo ni Marantan na i-etcha-puera nila si Siman para makopo ni Tita ang jueteng sa Laguna. Kung sina Melad at Marantan ay naparusahan, bakit si Tita ay hindi man lang nagalaw at katunayan ay yumabong pa ang pasugalan niya, di ba mga kosa?

Kung itong patuloy na operation ni Tita ang gagawing basehan, naniniwala ako na hindi na masara-sara ang jueteng. Ano sa tingin mo NPC Pres. Joel Egco Sir? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang yan, di ba Boy Arson?

Kaya naman nabanggit ko si Tita mga kosa ay dahil patuloy ang raid na isinagawa ng Office of the Internal Security (OIS) ng DILG sa Laguna at ang tinatarget lang ay ang jueteng ni Edwin Olazo alyas Tose at Gorge at Bing Gaurano at iba pa. Iniiwasan ng tropa ni OIS head Supt. Johnny Ormi ang mga puwesto ni Tita. Kung ang PNPA Class 2001 ay sangkot sa EDSA hulidap sa Mandaluyong City, mukhang ang Class ‘97 at ‘98 naman ay sa pasugalan ang linya. Si Ormi kasi mga kosa at ang hepe ng Bacoor City at ang intelligence chief ng Cavite PNP ay miyembro ng PNPA Class ’97 samantalang si Marantan ay Class ’98. Boom Panes!

Ang tagabigay ng lingguhang tara ni Tita ay si Joel Rocero. Kung ayaw ni Ormi na maakusahan na may kinikilingan, dapat salakayin din niya ang jueteng nina Gener at Orlan sa San Pablo City; at Umbay sa Sta. Cruz. Ang mga pergalan naman ay kay Wena sa Los Baños; Emily at Tessie sa Pacita, Rommel sa Litserya sa Calamba;  Belen sa Batino sa Canlubang, Tessie uli sa sementeryo ng San Pablo, at puesto-piho ng color game sa San Pablo malapit sa fastfood chain. O hayan, Supt. Ormi Sir, magandang tip ‘yang binigay ko sa ‘yo ha! Action na!

Teka si Tita pala ay ilang pirasong video karera lang ang dala nang dumating sa Laguna subalit sa ngayon hindi lang jueteng ang pasugal niya kundi maging ang pergalan. Anyare’ sa ‘no take policy mo Sec. Mar Roxas? Abangan!

ALIMODIAN CENTRAL ELE

BACOOR CITY

BING GAURANO

BOOM PANES

BOY ARSON

MARANTAN

SAN PABLO

TITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with