^

Punto Mo

‘Pekeng promodizer’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

BINABALAAN ang publiko partikular ang mga ina ng tahanan, mag-ingat sa mga gumagalang pekeng promodizer.

Ito ‘yung mga putok sa buhong naglilibot sa mga barangay, kumakatok at nagbabahay-bahay para makapanloko at makapambiktima.

Palibhasa kasi “ber” months na at uso ang mga pautot na “pagbabahay-bahay” tulad ng mga napapanood sa mga noon time variety show sa telebisyon, marami rin ang mga nakikisakay at nakikiuso.

Nagbabakasakaling makakalusot at may mabi-BITAG sa kanilang modus. Kuwidaw! Baka isa ka sa mabiktima.

Makakapal ang mukha ng mga kumag, kenkoy, kolokoy na mga promodizer kuno na mga ito.

Suot ang kanilang mga pekeng ID, magpapakilala silang empleyado daw ng isang malaking kumpanya. Mag-aalok ng halagang P6,000 grocery, dalawang kaban ng bigas at P2,000 cash kapalit lang daw ng P2,870.

Kung ikaw nga naman ay isang ginang na nagtitipid at nagba-budget sa mga gastusin araw-araw, talagang maeengganyo ka.

Ganito ang sumbong na inilapit ni “Grace” sa BITAG Headquarters sa aming People’s Day noong Miyerkules.

Sa pag-aakalang sinuwerte siya sa alok ng mga dorobo, minalas pa pala siya. Kasi maliban sa nahingi sa kaniyang P2,870, kinuha din pati ang kaniyang laptop computer.

Lingid sa kaalaman ng pobreng ginang, namo-modus na pala siya at lahat ng mga ipinangako sa kaniyang grocery,bigas at pera, naglaho kasabay ng mga pekeng putok sa buhong promodizer.

All Points Bulletin ng BITAG, huwag agad magpapaniwala sa kung ano-anong mga inaalok sa inyo ng kung sino-sinong talpulano. Ito ay produkto lamang ng kanilang utak-dorobo na gustong makaisa sa kanilang kapwa.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

ALL POINTS BULLETIN

GANITO

KASI

KUWIDAW

LINGID

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with