^

Punto Mo

Segunda manong CP

PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SA  mga pamilihan ng cell phone, smart phone, tablet, computer, laptop, netbook o notebook, at iba pang makabagong gadget, hindi nawawala ang mga peke at segunda mano.  Kung hindi ka gaanong mulat sa teknolohiya, mabobola ka sa tamis ng dila ng mga nagtitinda ng mga segunda manong cell phone.

Lalo na ngayong patok na patok ang smartphone (partikular ang tinatawag na Android) dahil sa mga naggagandahang features, apps (program) at specifications na iniaalok nito depende sa brand o klase tulad ng sa mga video, camera, internet access, games, haba ng buhay ng baterya at iba pa. Nauso naman ang “Candy Crush” na para makapaglaro nito ay dapat meron kang facebook account na maaari ring mabuksan sa smartphone na isa pang dahilan kaya lalo itong naging mabili. Dahil sa dami ng mga naglilipanang mga brand ng smartphone, nakakalito kung minsan kung ano ang orihinal o yaong kinopya lang sa mga orihinal.  

Pero baka malaos din kinalaunan ang mga smartphone sa hinaharap dahil sa pagsulpot ng iPad o ibang klase ng tablet.  Habang may mga gadget na nalalaos sa pagtagal ng panahon tulad ng tinatawag na basic cell phone (iyong merong keypad sa labas), bumababa naman ang kanyang mga presyo. Sa halagang P500 o P1,000, meron nang mabibiling ganitong cell phone (Wala nga lang siyang wifi o ibang features na matatagpuan sa smartphone). Maipapalagay na ang mga cell phone na ito ay mga surplus o sobrang suplay na hindi naibenta noong kasagsagan ng panahon na nauuso pa ito. O kaya mga cell phone na ibinenta na lang ng dating gumagamit nito. Pabor naman ito sa mahihirap na mamamayan na walang kakayahang bumili ng magagarang smartphone. Kahit kapos sa badyet, bibili pa rin sila ng ganyang lumang cellphone dahil kailangan ito ng sino man sa araw-araw nilang pamumuhay.  Kahit nga karpintero o tindera lang sa palengke o mekaniko ng kotse, merong nakakabit na cell phone sa kanilang katawan. “In” pa rin sila kahit luma o segunda mano ang kanilang “laruan.”

Meron na ngang mga nagtataya na malalaos na rin sa paglipas ng panahon ang mga smartphone dahil sa pagkalat ng mga tablet. Ano naman kaya ang susunod kapag napagsawaan na ang tablet?

ANO

CANDY CRUSH

CELL

DAHIL

HABANG

KAHIT

PHONE

SMARTPHONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with