^

Punto Mo

Lawa, biglang lumitaw sa disyerto sa Tunisia

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lawa ang biglang lumitaw sa gitna ng isang dis­yerto sa Tunisia noong  nakaraang Agosto.

Akala ng mga nakatuklas ay namamalikmata lamang sila sa kanilang nakita ngunit totoo talagang biglang nagkaroon ng lawa sa nasabing lugar na dati ay puro buhangin lamang.

Tinatayang nasa isang ektarya ang lawak ng lawa at nasa 10 hanggang 18 na talampakan ang lalim nito.

Nangangamba naman ang iba kung ligtas inumin ang tubig sa lawa dahil naging malabo ang tubig pagkatapos ng ilang araw. Nagbabala rin ang ilang eksperto na maaaring nakakalason ang tubig sa lawa dahil malapit ito sa isang dating­ minahan ng phosphate.

Kaya naman hinihimok ng mga kinauukulan sa Tunisia ang mga tao na huwag munang maligo sa lawa at sa halip ay hintayin muna na lumabas ang resulta ng pagtesting sa kalinisan ng tubig nito.

Ngunit mabilis na kumalat ang balita tungkol sa bagong tuklas na lawa kaya naman dinagsa ito ng mga tao na hindi nagpapigil sa paliligo rito upang matakasan ang mainit na klima sa disyerto.

Ayon sa mga eksperto, maaaring epekto ng isang paglindol ang biglaang paglitaw ng lawa. Maaring nagkaroon ng bukal sa pag-uumpugan ng mga bato na pinanggalingan ng tubig na bumuo ng lawa sa gitna ng disyerto.

AGOSTO

AYON

KAYA

LAWA

NAGBABALA

NANGANGAMBA

NGUNIT

TINATAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with